Friday, November 15, 2013

Pulis, sugatan sa hinabol na holdaper

Nasugatan ang isang pulis makaraan siyang barilin noong Huwebes ng gabi ng umano’y mga holdaper na nambiktima ng isang babae sa San Juan City, ipinabatid ng pulisya kahapon.


Kinilala ni San Juan City Police chief Senior Supt. Joselito Daniel ang nasugatan na si PO2 Francis Revello, na nasugatan sa mukha matapos barilin ng mga tumatakas na suspek.



Ayon kay Daniel, nasugatan si Revello ng plastic fragments makaraang ang mga bala mula sa baril ng mga suspek ay tumama sa helmet ng pulis, na noon ay pinahaharurot ang sinasakyang motorsiklo sa paghabol sa mga holdaper.


Nauna rito, hinoldap ng dalawang hindi nakilalang suspek si Julia Buhain, 20, dalaga, 4th year college student, ng Barangay Addition Hills, sa Pilar Street bandang 9:10 ng gabi. – Francis T. Wakefield


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pulis, sugatan sa hinabol na holdaper


No comments:

Post a Comment