Tuesday, November 5, 2013

PSC Chairman Garcia, dadalo sa World Peace and Sports Conference

Ni Angie Oredo


Inimbitan sa unang pagkakataon si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Ricardo “Richie” Garcia upang dumalo sa makabuluhang pagpupulong ng World Peace and Sports Conference na dadaluhan ng mga pinuno sa buong mundo ngayon hanggang Nobyembre 8 sa Monte Carlo sa Monaco.



Unang dadaluhan ni Garcia ang pagpupulong sa Monaco, kung saan ay mismong inimbitahan siya ni Prince Albert, bago ito tumuloy sa itinakdang coordinating meeting ng Olympic Council of Asia para sa 17th Asian Games na gaganapin sa Incheon, Korea.


Naiwan naman kay PSC Commissioner Salvador “Buddy” Andrada ang responsibilidad bilang acting Executive Director habang si PSC Commissioner Jose Luis Gomez naman ang acting Officer-In-Charge.


Kasamang inimbitahan sa World Peace and Sports Conference ang kilalang sports leaders mula sa 40 mga bansa. Nakatakdang talakayin sa pulong ang kahalagahan ng sports sa pagpapanatili sa pagkakaibigan at katahimikan ng mga bansa sa mundo.


Kilala si Prince Albert, anak ni Prince Rainier at dating American actress na si Grace Kelly na namatay sa aksidente noong dekada 50s, bilang isa ring mahilig sa sports.


Ilalahad sa pagtitipon sa iba’tibang sports leaders ang tungkol sa magandang kalagayan ng palakasan bukod pa sa pangangalaga sa buhay ng mga tao at pagpapanatili sa katahimikan ng buong mundo.


Asam naman ni Garcia na maibahagi ang kalagayan ng Pilipinas at kung papalarin ay makapag-uwi ng makabagong kagamitan sa palakasan mula sa dadalong mayayamang mga bansa.


Matatandaan na nagkaloob ng iba’t-ibang uri ng kagamitan sa sports ang China sa PSC at maging ang Hungary para sa weightlifting base sa Memorandum of Agreement na nakamit ng PSC. Kabilang din sa MOA ang iba pang mga bansa na tulad ng Russia, Australia, Brazil at Argentina.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PSC Chairman Garcia, dadalo sa World Peace and Sports Conference


No comments:

Post a Comment