Monday, November 18, 2013

Provincial treasurer dinukot sa Sulu

PANIBAGO na namang biktima ng kidnapping ang isang provincial treasurer sa Sulu.


Sa ulat, ang insidente ay naganap pasado alas-7:00 kagabi sa Barangay Bangkal sa Patikul, Sulu.


Kinilala ang dinukot na si Jessie Cabelin, 60, kasalukuyang provincial treasurer sa nasabing lalawigan.


Nabatid na nagpapahinga sa loob ng treasurer’s quarter ang biktima nang biglang pumasok ang mga armadong kalalakihan at puwersahan siyang isinakay sa dilaw na tamaraw.


Hindi pa direktang tinukoy ng mga awtoridad kung sino ang grupong responsable sa panibagong insidente ng pagdukot sa Sulu.


Subalit napag-alaman mula sa ilang nakasaksi na namukhaan ang naturang getaway vehicle na ginamit din ng bandidong grupo na pinamumunuan nina Julli Ikit at Ninok Sappari sa iba pang insidente ng pagdukot sa lalawigan.


Sa ngayon ay wala pang komunikasyon ang pamilya at kaanak ng dinukot na biktima mula sa mga kidnapper.


The post Provincial treasurer dinukot sa Sulu appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Provincial treasurer dinukot sa Sulu


No comments:

Post a Comment