Sunday, November 3, 2013

Posters ni Napoles, nagkalat sa Caloocan, Valenzuela

Nagkalat sa mga pader sa Caloocan City at Valenzuela City ang mga larawan ni Janet Lim Napoles, na itinuturong utak sa

multi-bilyong pisong anomalya sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o “pork barrel.”


Sa Mac Arthur Highway papunta sa Monumento Circle sa Caloocan ay makikita sa mga pader ang mga larawan ni Napoles sa posters na may sukat na 12 x 8 inches.



Sa mga barangay ng Marulas at Gen. T. De Leon sa Valenzuela City ay puno rin ang mga pader ng litrato ni Napoles.


Nakasulat sa larawan ang wikang Bisaya na “eto na mi siya” na ang ibig sabihin ay “siya na nga.”


Bagamat walang nakalagay na pangalan ng grupo na nagkabit sa pader ng nasabing mga poster, malinaw na ang nagdikit ng mga litrato ni Napoles ay kontra na magkaroon pa ng PDAF ang mga senador at kongresista.


Magugunitang ibinulgar ni Benhur Luy na si Napoles ang “mastermind” sa pork barrel scam.


Ayon sa mga taga-Valenzuela, malinaw na nawawalan na ng tiwala ang publiko sa mga pulitiko kaya kakaunti na lang ang nagsiboto sa katatapos na barangay election. – Orly L. Barcala


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Posters ni Napoles, nagkalat sa Caloocan, Valenzuela


No comments:

Post a Comment