Thursday, November 7, 2013

Posibleng pagkalat ng meningococcemia, binabantayan

Ni Mac Cabreros


NANANTILING nakaalerto ang mga awtoridad sa pagkalat ng nakamamatay na sakit na meningococcemia.


Ito ay habang iniimbestigahan ang pagkasawi ng isang taong gulang na batang taga-Mambugan, Antipolo City sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina City noong Lunes ng gabi.



Sa impormasyong nakalap ng Balita, bagamat bukas na ang emergency room ng naturang ospital, matapos na pansamantalang isara para maisagawa ang ‘paglilinis,’ kontrolado pa rin ang pagpasok ng mga tao sa ospital na pinagsusuot ng surgical mask.


Sa ulat, dinala sa ospital ang bata pasado 6:00 ng gabi ng Lunes dahil sa pananakit ng katawan at lagnat at rashes ngunit namatay ang bata pasado 11:00 ng gabi dahil mabilis na kumalat ang bacteria.


Nilapatan din ng karampatang lunas ang mga taong nakasalamuha ng bata.


Ipinayo ng mga doktor na isasailalim sa cremation ang bata para maiwasang makahawa ng iba o maikalat ang bacteria ng naturang sakit.


Nabatid na pagsusuka, pananakit ng ulo, rashes na kulay pula o purple ang ilan pang sintomas ng meningococcemia.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Posibleng pagkalat ng meningococcemia, binabantayan


No comments:

Post a Comment