Tuesday, November 26, 2013

PNP LEYTE: BIYAYA O KASO?

baletodo MARAMI akong nakausap na miyembro ng pulisya sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila. May PO1, Chief Inspector, Sr. Superintendent hanggang Chief Superintendent. Ang isyu namin ay ang bagyo ni Yolanda at ang epekto sa Leyte at mga kalapit na lalawigan.


Sinanay na mga pulis ngunit mala-militar din sila sa pagganap sa tungkulin. Serve and protect ang kanilang sandigan ng serbisyo. Ang serbisyong pulisya ay nakatuon sa mamamayan o sibilyan na namumuhay sa araw-araw at sa pagpapanatiling payapa ang lahat ng komunidad at bayan.


Sa aming mga pag-uusap, hindi maitago ang kanilang sama ng loob sa liderato ng bansa kay Benigno Simeon Aquino III (BSA3) dahil sa huling utos nila ng kumpare niyang si Interior Secretary Mar Roxas. Ang utos, imbestigahan ang mga pulis na nakatalaga sa Leyte at mga karatig lugar kung bakit wala sila noong kasagsagan hanggang matapos ang bagyong Yolanda at kalamidad.


Iimbestigahan ang marami sa mga pulis sa Tacloban, Ormoc, Guiuan, Alang-Alang, Antique, Panay, Aklan, Coron, Capiz at iba pang mga bayan. Sabi nga nina BSA3 at Mar, mananagot ang mga pulis ng bayan!


Ewan kung ano ang meron sa magkabarkadang Roxas at Aquino. Kakaiba ang tingin ko kasi sa utak nila. Panay banat kontra pulis na akala mo ay mga kriminal. Natanong na ba ninyong dalawa at nakumusta na ba ninyo ang kalagayan ng mga binagyong pulis?


Mga TOTOY SISI AT BOY YABANG, ayon mismo sa kanilang mga hepe at kasamahan, marami ang nawalang pulis dahil tinangay sila ng malaking alon mula sa dagat. Marami sa kanila ang nalunod at posibleng mga patay na. Marami rin sa kanila ang nawalan ng miyembro ng pamilya. Natanong man lang ba ninyo kung ano ang kailangan nila?


Idagdag pa ang utos ninyong magpare ang pagsasampa ng kaso sa mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan doon. Sa anong batayan at ano ang kasalanan nila? Dahil ba sa sinasabi ninyo na malakas na bagyo at kailangan mailikas ang kanilang mamamayan? Alam ba nila kung gaano kalakas ang malakas na bagyo o storm surge?


Ito namang tuta sa NDRRMC, ginatungan pa ang utot ng kanilang amo na nagsabing nagbabala na sila sa mga taga-Eastern Visayas dalawang taon na ang nagdaan. Uki nanyo! Para kayong mga uto-uto na kuto!


Kesyo paulit-ulit daw at nagpalabas pa ng memorandum bilang paghahanda sa bagyo na dalawang taon pa darating? Hanep din naman ang pagtakas ninyo sa inyong pagkukulang. Kayo ang may kapabayaan, kayo pa ang may ganang manisi sa taumbayan?


ANG MGA PULIS SA LEYTE ay tumupad sa kanilang tungkulin. Lamang, naunahan sila ng mapaminsalang bagyo kaya sila mismo ay apektado.

Marami ang nagligtas. Marami ang tumulong na mga PULIS NG BAYAN DOON. Ngayon, sa halip na BIYAYA, KASO ang ibibigay ninyo? Sige, gaguhin ninyo ang PNP!


The post PNP LEYTE: BIYAYA O KASO? appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PNP LEYTE: BIYAYA O KASO?


No comments:

Post a Comment