Sunday, November 10, 2013

PNoy, napikon sa disaster briefing

Ni Genalyn D. Kabiling


Sa kalagitnaan ng command briefing sa Tacloban City hinggil sa relief and rehabilitation operations ng gobyerno, nag-walk out si Pangulong Benigno S. Aquino III makaraang mapikon sa umano’y maling datos ng isang opisyal ng gobyerno.


Ito ay matapos iulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chief Eduardo del Rosario na 95 porsiyento ng Tacloban City ang nawasak ng bagyong ‘Yolanda.’



Agad na kinuwestiyon ng Pangulo ang basehan ng assessment ni Del Rosario at nang wala itong maisagot, tumayo si PNoy sa kanyang upuan at nagwalk-out patungo sa isang silid.


Giit ng Punong Ehekutibo, hindi lahat ng establisimiyento sa Tacloban ay nasira ng bagyo, tulad ng Tacloban City Jail, na bubungan lamang ang nawasak ng malakas na hangin.


Ikinapikon din ni Aquino ang ilang ulat sa radyo sa panukala ng ilang negosyante na magdeklara ang gobyerno ng batas militar o state of emergency upang mapangalagaan ang katahimikan at kaayusan sa mga naapektuhang lugar sa gitna ng mga nangyaring looting sa mga shopping mall.


Tiniyak ng Pangulo na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang maprotektahan ang bawat mamamayan sa mga nasalantang lugar sa pagpapadala ng karagdagang puwersa ng militar at pulisya matapos ang pananalasa ng super typhoon.


Matapos ang ilang minuto ay bumalik din si Pangulong Aquino sa briefing room ng NDRRMC.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PNoy, napikon sa disaster briefing


No comments:

Post a Comment