Monday, November 18, 2013

Plastikadang showbiz personality

Ni Jimi Escala


Blind Item BUKOD sa Queen of All Media at presidential sister na si Kris Aquino ay marami pang ibang taga-showbiz ang personal na pumunta sa ilang lugar sa Kabisayaan para magdala ng tulong sa mga nabiktima ni ‘Yolanda’.


Pero mas nakakabilib ang mga taga-showbiz na tumulong pero ayaw nang nasusulat ang ginawa. May ilang kilalang personalidad na pumunta sa mga binagyo pero ipinagbawal ang media coverage. Isa na sa kanila si Mariel Rodriguez.



Ayon sa natanggap naming text message mula sa isang kababayan ay personal daw na dinalaw ni Mariel ang isang evacuation center na may mahigit sa isang libo katao na pansamantalang naninirahan.


May nakausap naman kaming kilalang beteranang aktres na sobrang napaplastikan sa isang showbiz personality na very visible ngayon sa pagtulong ng mga biktima ng Yolanda. Panay pa raw ang pagpapainterbyu ng showbiz personality at ipinangangalandakan pa ang mga donasyon niya.


“Naku, napaplastikan talaga ako sa kanya, hindi siya sincere na pagtulong niya dahil kilala ko siya at kung paano niya inaapi-api ang isang kasamahan niya sa bahay. Hindi lang ‘yan, pati ‘yung pobreng tagaayos ng mukha at buhok niya noon, eh, kulang na lang pakainin niya ng mga mura niya,” litanya pa ng beteranang aktres.


Sa totoo lang naman, kilalang mataray ang naturang showbiz personality at kahit noon pa naman siya tumutulong sa mga kababayan natin ay hindi nakikita sa kanya ang sinseridad.


“Nawalan talaga ako ng respeto d’yan kay ______ (showbiz personality). Plastikada talaga siya. Gusto ko ngang masuka sa tuwing makikita ko siyang namimigay ng tulong. Tigilan na kami sa gimik niyang ‘yun. Hanggang d’yan na lang ang mararating niya at pati na ang asawa niya,” sey pa ng beteranang aktres.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Plastikadang showbiz personality


No comments:

Post a Comment