LA PAZ (Reuters)— Isang eroplanong Bolivian na sakay ang 18 katao ang bumulusok noong Linggo habang papalapag sanhi ng masamang panahon sa hilaga ng bansang Andean, na ikinasawi ng walong pasahero at ikinasugat ng iba pang sakay nito, sinabi ng director ng isang lokal na ospital sa Reuters.
Bumubuhos ang malakas na ulan habang papalapag ang maliit na eroplanong turboprop ng local airline na Aerocon sa Riberalta, sa Beni department malapit sa Brazilian border, ayon sa mga saksi.
Nagmula ang eroplano sa Trinidad, ang kabisera ng Beni, ayon sa Aerocon noong Linggo ng umaga, nang hindi nagbibigay ng detalye.
Labinwalong katao ang sakay, ayon sa director ng Riberalta hospital na si Jose Luis Pereira.
“(There were) 16 passengers and the pilot and copilot, of whom 10 survived and eight died,” aniya sa Reuters. “The pilot and the copilot are in the gravest situation … Seven (bodies) are (so) charred, we can’t identify them.”
Sinabi ni President Evo Morales na iniutos na niya ang “deep investigation” sa aksidente at “drastic sanctions on the company.”
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment