Wednesday, November 20, 2013

Pinsala ni ‘Yolanda’ mahigit P12.6-B na

DALAWANG linggo matapos manalasa, umakyat na sa P12.6 bilyon ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyong Yolanda.


Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) alas-6:00 kaninang umaga, mahigit P10.5 bilyon sa naturang halaga ang nasira sa agrikultura habang mahigit P2.1 bilyon ang sa imprastraktura.


Nanatili naman sa 4,011 ang bilang ng mga nasawi bagama’t patuloy pa rin ang pagkalap ng impormasyon at pagrekober sa mga bangkay sa mga lalawigan sa Visayas na matinding hinagupit ng bagyo.


Bukod dito, may 1,602 pang hinahanap.


Kabuuang 2,150,925 pamilya o mahigit 10 milyong indibidwal ang naapektuhan ni “Yolanda” at halos 1 milyong pamilya rito ang nanunuluyan sa mga evacuation center.


Patuloy pa rin ang pag-ayuda ng gobyerno sa mga sinalanta na nakapagpalabas na ng mahigit P449 milyong tulong.


Ang tulong naman ng ibang bansa, umaabot na sa P13 bilyon ayon sa Foreign Aid Transparency Hub (FAiTH). Kabilang dito ang halaga ng cash at in kind donations.


The post Pinsala ni ‘Yolanda’ mahigit P12.6-B na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pinsala ni ‘Yolanda’ mahigit P12.6-B na


No comments:

Post a Comment