Tuesday, November 19, 2013

Pinoy boxer, naka-KO sa China

Muling umiskor ng panalo ang sumisikat na Pinoy boxer sa Japan na si super bantamweight Jonathan Baat matapos patulugin sa 5th round si Suthep Sor Por Lor Krungthep ng Thailand sa sagupaang ginanap kamakalawa sa Yu Hang Gymnasium sa Hangzhou, China.



Bagamat nakipagsabayan si Krungthep kay Baat sa unang apat na rounds, hindi siya tinantanan ng dating interim WBO Oriental champion at napabagsak siya ng isang matinding kaliwa eksaktong 2:10 ng ikalimang round at hindi na nakabangon sa lona.


Mula nang manirahan sa Ishikawa, Japan, umiskor si Baat ng 13-1-1 win-loss-draw na may 8 panalo sa knockouts kaya tiyak na isang wrold rated boxer ang kanyang makakaharap sa susunod na laban.


Napaganda ni Baat ang kanyang rekord sa 25-4-3 win-loss-draw na may 12 pagwawagi sa knockouts at inaasahang aakyat siya sa Orient Pacific Boxing Federation (OPBF) boxing ratings. – Gilbert Espena


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pinoy boxer, naka-KO sa China


No comments:

Post a Comment