Wednesday, November 20, 2013

Pinay, 3rd runner-up sa Miss Grand International

ISA na namang Pilipina ang nagbigay-karangalan sa bansa sa isang international beauty pageant.


Kinoronahang 3rd runner-up ang Pinay beauty na si Ali Forbes sa unang pagtatanghal ng Miss Grand International pageant na ginanap sa Bangkok, Thailand nitong Martes.


Nasungkit ni Miss Puerto Rico, Janelee Marcus Chaparro ang korona bilang kauna-unahang Miss Grand International, 1st at 2nd runner-up ang contestants mula Dominican Republic at Slovak Republic.


Si Forbes na ang ika-apat na Pinay beauty na kinilala sa mga international pageant ngayong taon.


Itinanghal na Miss Supranational si Mutya Datul; Miss World si Megan Young; at kinoronahang Miss Universe 3rd runner-up si Ariella Arida.


The post Pinay, 3rd runner-up sa Miss Grand International appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pinay, 3rd runner-up sa Miss Grand International


No comments:

Post a Comment