Thursday, November 21, 2013

‘Pinas mag-aangkat pa ng bigas – NFA

Mag-aangkat ng kalahating milyong metriko toneladang bigas ang pamahalaan upang mapunan ang nabawasang imbak nito na napunta sa mga nasalanta ng super typhoon “Yolanda,” ayon sa National Food Authority (NFA).


Idinahilan ni NFA spokesman Rex Estoperez, aprubado na ng kagawaran ang 500,000 metriko toneladang bigas na aangkatin ng bansa.



Ayon kay Estoperez, magsasagawa na lamang ng government-to-government procurement ang Pilipinas dahil lalo lamang magtatagal kung hihintayin pa ang partisipasyon ng mga pribadiong sektor.


Aniya, magsisilbi lamang itong karagdagan upang matiyak na hindi kakapusin ang bansa sa imbak na bigas.


“The government earlier this year procured 205,700 metric tons of rice to fulfill the country’s international trade commitment through a minimum access volume scheme, under which a limited volume of rice would be imported at a specific tariff rate. The imports would be set aside as government’s buffer stock,” sabi ni Estoperez.


Binanggit pa nito na sa kasalukuyan ay may nakabinbin ang Pilipinas na supply agreements sa Cambodia, Thailand at Vietnam. – Rommel P. Tabbad


.. Continue: Balita.net.ph (source)



‘Pinas mag-aangkat pa ng bigas – NFA


No comments:

Post a Comment