Tuesday, November 5, 2013

‘Pinas bilang US spy hub, iniimbestigahan

Bineberipika na ng gobyerno ang mga ulat na ginagamit ng United States National Security Agency (NSA) ang Pilipinas bilang “spy hub” o lugar para sa surveillance operation ng gobyerno ng Amerika sa Asia.



Ito ay matapos maiulat sa ABC News, isang Australian news agency, na nagtatag ang Amerika ng surveillance facilities sa mga embahada at konsulado sa Jakarta sa Indonesia, Kuala Lumpur sa Malaysia, Phnom Penh sa Vietnam, Bangkok sa Thailand, Yangon sa Myanmar, Taipei sa Taiwan at Shanghai at Beijing sa China.


“Pinapacheck natin sa mga intelligence community natin,” sinabi ni Gazmin sa mga mamamahayag sa Camp Aguinaldo, Quezon City.


“Pinag-uusapan natin ‘yan kung may nararamdaman ba o may nangyayari,” dagdag ng Kalihim. “So far wala pa tayong nakikitang signs.” Samantala, pumalag naman ang liderato ng ibang bansa sa ulat na ginagamit silang spy hub ng Amerika.


Base sa isang sekretong mapa na ibinulgar ng puganteng intelligence analyst na si Edward Snowden, iniulat ng Sydney Morning Herald na 90 porsiyento ng US surveillance facilities ay nakapuwesto sa mga diplomatic mission sa mundo. – Elena L. Aben


.. Continue: Balita.net.ph (source)



‘Pinas bilang US spy hub, iniimbestigahan


No comments:

Post a Comment