Tuesday, November 26, 2013

Pinalalabas ng iba na sising-sisi, Iza Calzado masaya sa Kapamilya network

KUNG palabasin ng iba riyan ay parang sising-sisi itong si Iza Calzado sa kanyang naging desisyon sa paglipat from GMA to ABS-CBN samantalang wala namang ganyang feeling si Iza lalo pa’t may mga proyekto namang ibinibigay sa kanya ang mother network.


Early next year ay ieere na ang The Biggest Loser Pinoy Edition Season 2 kung saan ang actress ang host. Pagkatapos ay may mga TV guesting siya at pelikulang gagawin sa Star Cinema kung saan makakasama nito sina Richard Gomez, John Lloyd Cruz, Jessy Mendiola at Gretchen Barretto na sabi ay pamalit daw kay Dawn Zulueta dahil umatras na sa project. Saka maganda ang talent fee ni Iza kaya siguradong kuntento siya sa kanyang kinalalagyan ngayon.


By the way, nais linawin ng mahusay na aktres na ‘di totoong pakakasal na siya sa boyfriend na si Ben Wintle. Siguro mga 2 to 3 years from now pa bago siya mag-decide sa ganyang sitwasyon na lumagay sa tahimik. That’s a good idea, gyud!


BEAUTY QUEEN-SINGER ALI FORBES, TINANGHAL NA MISS GRAND INTERNATIONAL 2013 3RD RUNNER-UP


NAGBUNGA rin ang pagsali ni Ali Forbes sa Binibining Pilipinas kung saan last year ay nanalo siya bilang 1st Runner-Up. Dahil ngayon pang international na si Ali, na isa sa promising talents ni Ms. Claire dela Fuente.

Nagwaging 3rd Runner-up sa katatapos lang na Miss Grand International 2013 sa Bangkok, Thailand last November 19 ang Miss Philippines representative na si Forbes kung saan nasungkit naman ni Puerto Rican candidate na si Janelee Chaparoo ang korona.


‘Di lang pinahanga ng beauty queen-singer ang mga judge sa gown and swimsuit competition kung saan isa siya sa nag-stand out, kundi sa kanyang katalinuhan sumagot ng Q and A. Yes, naging most applauded at crowd favorite ang alaga ni Ms. Claire na ngayon pa lang ay dinadagsa na ng offer.


Kapag nabigyan siya ng pagkakataon na umarte sa TV at big screen ay welcome ito kay Ali lalo pa’t maliban sa pagkanta ay type rin niyang maging artista.


‘Di pala biro ang pagsali ng bagong pride ng bansa sa Miss Grand International dahil lume-level din ito sa Miss Universe at Miss World na marami kang makakalaban mula sa iba’t ibang bansa. Therefore, isang malaking karangalan ang pagkakapanalo ni Ali Forbes tulad ng mga nauna sa kanyang sina Miss World Megan Young at Miss Universe 2013 3rd Runner-up Ariella “Ara” Arida. Mga Reyna ng kagandahan, gyud!


EAT BULAGA, ‘DI LANG MILYON ANG VIEWERS, HIT DIN SA SOCIAL MEDIA


DAILY ay libo-libong fans o Dabarkads ang sumusuporta sa official fanpage ng Eat Bulaga sa Facebook kaya naman ngayon ay umaabot na sa 3,475,817 likes ang nakatala sa nasabing fanpage at still counting dahil parami nang parami ang mga nagbi-visit dito.


Very interesting at exciting naman kasi ang fanpage ng EB dahil lahat ng mga luma at bago nilang mga segment ay makikita mo rito kasama ng mga production number at iba’t ibang activities.

Patunay lang na hindi lang sinusubaybayan ng milyon-milyong televiewers ang Bulaga kundi maging sa social media na usong-uso ngayon ay hit na hit din sila.


At tulad sa kanilang live show everyday ay may mga pakontes din ang EB Dabarkads sa mga supporter nila sa kanilang fanpage kung saan puwede kayong manalo ng cash, t-shirts, cellphone, etc. May update rin sila sa ginagawa nilang public service para sa mga survivor ng bagyong Yolanda sa Kabisayaan.


The post Pinalalabas ng iba na sising-sisi, Iza Calzado masaya sa Kapamilya network appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pinalalabas ng iba na sising-sisi, Iza Calzado masaya sa Kapamilya network


No comments:

Post a Comment