Saturday, November 2, 2013

Pinagalitan ng tatay, 17-anyos nagbigti

DAHIL sa matinding sama ng loob nang pagalitan ng kanyang ama ay nagbigti ang 17-anyos na binatilyo sa loob ng kanyang silid.


Kinilala ang biktima na si Mark Vincent Consemino, panganay sa pitong magkakapatid at residente ng Purok Masagana, Brgy. Baluan sa lungsod ng Heneral Santos.


Sinabi ng ina na si Myra Consemino na pinagalitan ng kanyang ama si Vincent dahil hindi sumunod sa kanyang utos na kumuha ng dahon ng niyog upang gawing pang-atip sa tumutulong bubong ng kanilang bahay.


Sinabi ng ina na nanlaban pa ang biktima kaya sinaktan ng ama.


Agad namang nagkulong sa kuwarto ang biktima matapos ang insidente at ilang sandali pa ay nagbigti na pala.


Si Vincent ay third year sa Prudente National High School sa Tupi, South Cotabato…


The post Pinagalitan ng tatay, 17-anyos nagbigti appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pinagalitan ng tatay, 17-anyos nagbigti


No comments:

Post a Comment