Saturday, November 23, 2013

Pinadarapa na si Ate Koring ng kanyang mga kalaban!

SUSPENDIDO raw si Korina Sanchez ng isang taon sa radio and news program. Ibig sabihin, mawawala siya ng one year sa TV Patrol World at sa kanyang programa sa DZMM. Kasama kaya ang Rated K sa Channel 2? Pero itinatwa ito ng kampo ni Korina, nasa bakasyon lang daw ito at nag-e-enjoy. At ayon sa latest statement made by Korina Sanchez on DZMM, matagal nang nakaplano ang bakasyon na ito long before the super typhoon incident happened in Central Visayas.

Hindi rin pabor ang netizens sa nasabing suspensyon, over-acting daw. Masyado namang matindi umano kung totoo nga ang nasabing balita.


Eto pa, may lumabas ding tsismis na tuluyan na raw na magre-resign ang sikat na lady broadcaster dahil sa nasabing parusa. Again, ayon sa kanyang kampo, wala itong katotohanan. Pagkatapos ng mga ginawa niya para sa ABS-CBN ngayon pa ba siya susuko?


Anyway, pagkatapos ng maaanghang na banat daw ni Ms. Korina laban kay Anderson Cooper dahil sa mali-maling balita raw nito tungkol sa mga naging biktima ni super typhoon Yolanda, tila mas marami ang kumampi sa CNN correspondent. Kaya hindi nakapagtatakang marami ring mga paninira ang lumabas kontra sa misis ni DILG Secretary Mar Roxas.

Katunayan, sa FB ay paulit-ulit na isini-share ang isang interview mula sa kanyang dating katulong na inaakusahan siya ng kung ano-ano, ibinulgar ding pinagsasabay-sabay niya ang mga lalaki. May nabasa rin kami mula sa isang blogsite about Korina at ito ay ayon daw sa mensahe ni Marlene Aguilar sa isang account nito sa social media: “I’ve met Korina Sanchez in person. She’s been in my home to interview me. And my staff saw how awful she treated members of her TV crew. Isa pa, napaiyak ang sekretarya ko sa awa sa driver niyan dahil pinagmumura niya. I don’t know anyone in the media and show business that has said anything good about her. In my opinion, she’s a fat conniving b****from hell. For me, she is ugly through and through. You may quote me.”

***


JACLYN JOSE, IBUBUYANGYANG ANG NAKARAANG BUHAY

PAANO ba umarte nang parang hindi ka umaarte? Samahan si Kara David ngayong Martes (Nov. 26) sa isang masayang kwentuhan kasama ang tinaguriang Queen of Underacting, ang beteranang aktres na si Jaclyn Jose sa lifestyle program na Powerhouse.


Ipapakita ni Jaclyn ang kanyang tatlong palapag na bahay bakasyunan sa Laguna na siya mismo ang nagdisenyo. Japanese at minimalist ang temang napili niya. Mayroon siyang mini-gazebo at sarili niyang vegetable garden.


Ipinanganak sa Pampanga si Jaclyn. Dating singer sa isang bar ang kanyang nanay samantalang isang German-American na sundalo naman ang kanyang tatay. Kahit noong bata pa siya, ni minsan ay hindi raw sumagi sa isip niya ang pag-aartista. Kuntento na raw siya sa pagiging production assistant o dakilang alalay sa kanyang artistang kapatid na si Veronica Jones. Hanggang sa sapilitan siyang sinali ng kanyang nanay sa isang talent search. Dito na nagsimula ang kanyang karera sa mundo ng show business.


Nakilala si Jaclyn sa kanyang kakaibang akting o akting daw na walang emosyon. Ayon sa kanya nakuha niya raw ito sa mga nakatrabaho niyang direktor tulad nina Lino Brocka, Ishmael Bernal, Chito Rono at ang manunulat na si Ricky Lee.


Tahimik ang personal na buhay ni Jaclyn hanggang sa isang matinding problema ang dumating sa kanyang pamilya nang mabuntis ang kanyang anak na si Andi. Masakit man ang nangyari, magkasama nilang hinarap ang pagsubok na ito.

Sa ngayon, tapos na ang unos sa buhay nila. Isang malaking biyaya naman ang idinulot nito –ang kanyang apong si Ellie na lubos na nagpapasaya sa kanya.


Samahan si Kara David na pasukin ang bahay at mas kilalanin ang tunay na si Jaclyn Jose ngayong Martes, ika-walo ng gabi sa GMA News TV.


***


For comments, suggestions & news feed, text me at 09234703506/09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2-3 p.m, Monday to Friday. Mabalos!


The post Pinadarapa na si Ate Koring ng kanyang mga kalaban! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pinadarapa na si Ate Koring ng kanyang mga kalaban!


No comments:

Post a Comment