Sunday, November 3, 2013

PHILIPPINE ECONOMY’S DOUBLE ‘SWEET SPOT’


ISANG double “sweet spot” – trabaho at suweldo – ang tinatayang tatamasain ng ekonomiya ng Pilipinas sa loob ng susunod na anim na taon, resulta ng mga pagsisikap ng gobyerno na palakasin ang mga institusyon na maghahatid ng pangunahing serbisyo sa mga maralita. Ang demographic sweet spot ay mararanasan sa 2015, sa panahong karamihan ng populasyon ay inaasahang sasali sa puwersang paggawa, at ang income sweet spot ay sa 2019 kapag ang per capita Gross Domestic Product, ang ang sukatan ng total output ng bansa na hinati sa bilang ng mga tao, ay inaasahang aabot sa $6,000, na nangangahulugan ng mas maraming buying power sa mga Pilipino.


Iniimbitahan ang mga banyagang mamumuhunan na magnegosyo sa Pilipinas at makinabang sa tumataas na bilang ng kabataang Pilipino na magpapabilis sa paglago ng ekonomiya.


Ang bansa ay mabuting investment destination, sa panahon na ang malaking bahagi ng populasyon ay nasa working age, ngunit higit sa lahat dahil sa kanyang malakas na macreconomic fundamentals: mababang inflation, tuloy-tuloy na economic growth, malusog na sektor ng pagbabangko, at masiglang overseas worker’s remittance. Ang 600,000 kabataang Pilipino sa sektor ng Business Process Outsourcing ay maaaring maging precursor ng demographic window habang tumutulong sa pagsusulong ng ekonomiya.


Tinatayang ng National Statistical Coordination Board (NSDB) ang populasyon na 102. 9 milyong Pilipino pagsapit ng 2015, na 65.3 milyon dito ay hahantong sa edad 15 hanggang 64. Pagsapit ng 2040, sinabi ng NSDB, na ang populasyon ay aabot sa 141.7 milyon, na dito ang 15-64 age bracket ay magiging 95.7 milyon. Ipinakita ng statistics ang average age ng mga Pilipino ay 22.2 anyos, nagpapahiwatig ng bahagi ng populasyon na may kapasidad na mapabuti ang kita sa bawat tahanan at maiangat ang productivity sa mga susunod na taon.


Ang Manila Bulletin sa pangunguna ni Chairman of the Board Dr. Emilio T. Yap, President and Publisher Atty. Hermogenes P. Pobre, Executive Vice President Dr. Emilio C. Yap III, Editor-in-Chief Dr. Cris J. Icban Jr., Business Editor Loreto D. Cabañes, iba pang opisyal at kawanihan, ay binabati si H.E. President Benigno S. Aquino III at Vice President Jejomar C. Binay at mga Miyembro ng Philippine Economic Team sa kanilang sama-samang pagsisikap para patatagin ang mga institusyon at imprastraktura upang matiyak ang tuloy-tuloy, inclusive economic growth na magpapaangat sa buhay ng mamamayan at mga komunidad sa ating Republika ng Pilipinas. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PHILIPPINE ECONOMY’S DOUBLE ‘SWEET SPOT’


No comments:

Post a Comment