Thursday, November 7, 2013

PH girls youth volley team, sasalain sa Batang Pinoy

Ni Angie Oredo


Pipiliin ng Philipine Volleyball Federation (PVF) ang pinakamahuhusay na batang babaeng isasama sa bubuuing Philippine national girls youth volley team sa nalalapit na kampeonato ng Batang Pinoy sa Nobyembre 19 hanggang 24 sa Bacolod City, Negros Occidental.



Sinabi ni PVF secretary general Rustico “Otie” Camangian, kasama ang ilang opisyal ng asosasyon, na personal itong magtutungo sa Bacolod City upang obserbahan at tuluyang piliin ang makikitang pinakamahuhusay na batang volley players na sasanayin at ihahanda sa dalawang bubuuing national youth team.


“Marami raw talent na madidiskubre sa mga teams na nag-qualify sa national finals ng Batang Pinoy so we will be looking at this players. Siguro kakausapin namin sila and then explain to them the possibilities of being included in the national youth team,” sinabi ni Camangian.


Ang national youth girls at under-23 ay sasanayin at ihahanda naman para sa pagasagawa sa bansa ng dalawang internasyunal na torneo sa indoor volleyball sa taong 2014 at 2015.


Ito ay matapos igawad ng Asian Volleyball Confederation ang hosting rights ng Pilipinas sa dalawang malaking torneo sa indoor volleyball bilang bahagi ng pangakong tulungang iangat ang kalidad at mas lalo pang palakasin ang aktibidad sa pagsasagawa ng mga laro sa pamumuno ng PVF.


Iginawad mismo ni AVC executive vice president Shanrit Wongprasert ang karapatan sa Pilipinas na maging host ng dalawang prestihiyosong torneo na para sa high school at collegiate players.


“We were awarded the Asian Youth Girls Volleyball Championship 2014 and the Asian Under-23 Women’s Volleyball Championship 2015 by the AVC as part of the Philippines to be active again in the world volleyball community and to earn as well with the hosting to support our development program,” giit pa ni Camangian.


“The AVC is helping us now na mabayaran natin ang matagal na natin na utang sa FIVB na $100,000 na royalty fee para sa hosting ng Grand Prix and for us to again to able to compete in the sanctioned world ranking tournament,” ayon pa kay Camangian.


Huling isinagawa ang 9th Asian Youth Girls Volleyball Championship sa Chengdu, China kung saan nagawang iuwi ng Japan ang ikalimang sunod na titulo sa iskor na 3-1 panalo (25-19, 26-24, 23-25, 25-18) kontra host China upang muling makuwalipika sa 2013 FIVB Girls’ U18 World Championship.


Nakasama ng Japan ang China at Chinese Taipei bilang pangunahing koponan sa Asia habang nabigyan ng insentibo ang Thailand na makasama matapos magwagi sa classification match.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PH girls youth volley team, sasalain sa Batang Pinoy


No comments:

Post a Comment