Tuesday, November 19, 2013

Perpetual, inumpisahan na ang pagdidepensa ng men’s at women’s crowns

Kapwa binuksan ng kasalukuyang men’s and women’s champions na University of Perpetual Help ang kani-kanilang

title retention bid sa pamamagitan ng pagpapataob sa nakatunggaling Mapua sa pagbubukas kahapon ng NCAA Season 89 volleyball sa Fil Oil Flying V Arena sa San Juan City.



Parehas na nagposte ng straight sets wins ang Altas at ang Lady Altas kontra sa Cardinals at Lady Cardinals sa pagsisimula ng kani-kanilang kampanya.


Tinalo ng Altas sa pangunguna nina Edmar Sanchez at Jay de la Cruz na nagsipagtala ng 12 at 10 puntos ayon sa pagkakasunod amg Cardinals, 25-18; 25-13: 25-17.


Iginupo naman ng Lady Altas ang Lady Cardinals, 25-14: 25-11: 25-13 sa pamumuno nina last season MVP Norie Jane Diaz at Honey Royse Tubino na umiskor ng 14 at 11 puntos ayon sa pagkakasunod.


Sa kabilang dako, wala namang nakaiskor ng double figures parehas sa Cardinals at Lady Cardinals na pinangunahan nina Philip Bagalay at Angelica Guardian na nagtala ng 9 at 7 puntos ayon sa pagkakasunod. – Marivic Awitan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Perpetual, inumpisahan na ang pagdidepensa ng men’s at women’s crowns


No comments:

Post a Comment