Thursday, November 7, 2013

PBAPC Annual Awards Night, susulong

Nakatakdang parangalan ang lahat ng mga nagtala ng pinakamaningning na performance, kasama na ang mga miyembro ng Gilas-Pilipinas Nationals, sa Martes sa gaganaping PBA Press Corps Annual Awards Night sa Wack Wack Golf Club sa Mandaluyong.



May temang “A Banquet of Heroes,” sasamahan ng PBAPC ang buong professional cage community ng bansa sa pagpaparangal sa mga outstanding performer sa nakaraang PBA Season bago gawaran ang Gilas-Pilipinas sa kanilang matagumpay na pagbabalik sa bansa sa World Championship stage.


Inimbita upang dumalo sa okasyon ang mga miyembro ng 1973 at 1986 champion Asian Basketball Confederation teams para maging guests of honor sa okasyon na magsisimula sa ganap na alas-7:00 ng gabi sa Banquet B.


Ang pagkakaloob ng Executive of the Year at Coach of the Year trophies, ipinangalan kina Danny Floro at Virgilio “Baby” Dalupan, ayon sa pagkakasunod, ay magsisilbi pa ring highlight ng nasabing okasyon na pangungunahan nina Sev Sarmenta, Quinito Henson at Erika Padilla bilang emcees.


Igagawad ng PBAPC ang mga award na hindi ibinibigay ng PBA na gaya ng Defensive Player of the Year, Comeback Player of the Year at All-Rookie Team.


Sa ikalawang sunod na taon, kikilalanin ng Press Corps ang PBA’s Scoring Champ, ang manlalaro na may pinakamalaking naitalang point production average sa nakaraang season, maging ang Accel Order of Merit winner para sa player na nagwagi ng pinakamaraming Player of the Week award.


Sina Grand Slam-winning coaches Norman Black ng Philippine Cup champion Talk ‘N Text at Tim Cone ng Governors’ Cup winner San Mig Coffee ang mga kandidato sa Coach of the Year kasama si Luigi Trillo, ang rookie coach na gumabay sa Alaska tungo sa Commissioner’s Cup title sa nakaraang season.


Maging ang Team PBA na pinamumunuan nina Commissioner Chito Salud at nakaraang chairman Robert Non ay ninominahan din bilang mga kandidato sa Executive of the Year award dahil sa kanilang pamumuno sa all-time high sales sa box office.


Si Marc Pingris, isa sa mga bayani ng Gilas-Pilipinas sa 27th Fiba-Asia, ang siya namang nangunguna sa Defensive Player of the Year award, habang sina Calvin Abueva ng Alaska at June Mar Fajardo ng Petron Blaze ay kabilang sa All-Rookie Team. – Marivic Awitan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PBAPC Annual Awards Night, susulong


No comments:

Post a Comment