Friday, November 15, 2013

PBA opening, alay sa mga biktima ng bagyong ‘Yolanda’

Nakatakdang ialay ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA), sampu ng kanilang mga miyembrong koponan, ang gaganaping opening rites at mga laro sa mga nabiktima ng typhoon ‘Yolanda’ sa pagbubukas bukas ng 39th PBA Season na sabay-sabay na gagawin sa iba’t ibang lugar sa Luzon,Visayas at Mindanao.



Ayon kay PBA Commissioner Chito Salud, hindi umano repleksiyon ng tunay na nararamdaman ng mga taong nasa likod ng liga ang magaganap sa opening at sa halip ay nais lamang nilang bigyan ng inspirasyon ang lahat ng mga kababayang batid nilang nasa gitna ng krisis at kahirapan ngayon.


“We will dedicate our simple opening rites to all of our kababayan who were affected by super typhoon ‘Yolanda”. We want them to know that they are in our prayers and that the PBA will continue to be of help to them in the long road to normalcy,” pahayag ni Salud sa isang statement na inilabas sa mga kagawad ng sports media kahapon.


Maging ang magaganap na mga laro, kung saan makikita ang kakaibang “intensity” sa mga manlalaro para sa hangad na manalo ang kanilang koponan, ay hindi nangangahulugan na wala silang anumang simpatya sa lahat ng mga naapektuhan ng mga naganap na kalamidad kamakailan.


“The ferocity of competition they will see on opening day will in no way be reflective of our lack of understanding of what truly matters in life and sympathy for those impacted. Rather, it will be a showcase of the brave hearts of our players who all want to serve as inspiration to our countrymen at this time,” ayon pa kay Salud.


Sa unang pagkakataon ay nakatakdang magdaos ng laro ang PBA sa tatlong magkakahiwalay na venues para sa kanilang season opening.


Alinsunod sa kanilang sinusunod na tema na “One PBA, One Philippines,” magdaraos ng mga laro sa Luzon, Visayas at Mindanao na kinabibilangan ng laro sa Smart Araneta Coliseum sa pagitan ng Barangay Ginebra at San Mig Coffee, Cebu Coliseum kung saan magtatapat ang Meralco Bolts at Talk ‘N Text at sa USEP, Davao City na dito naman magtutunggali ang Alaska Aces at Rain or Shine.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PBA opening, alay sa mga biktima ng bagyong ‘Yolanda’


No comments:

Post a Comment