Thursday, November 7, 2013

PBA Conference Pass, pakakawalan na

Sa unang pagkakataon, sa kasaysayan ng Philippine Basketball Association, magbibigay ang liga ng 2014 PBA Conference Pass sa presyong P44,000 para sa Patron A seats at P32,000.00 para sa Lower box-B seats sa Smart Araneta, MOA Arena at Cuneta Astrodome.



Ang Conference Pass holder ay makasisiguro ng upuan mula sa eliminations hanggang finals games ng kada conference.


Ngunit nilinaw naman ng liga na limitado lamang ang bilang ng mga available na conference pass.


Magsisimula na rin ang PBA renewals ng mga Privilege Membership Cards (PMCs) para sa 2014 Season mula sa Lunes (Nobyembre 11) habang tatanggap naman sila ng mga bagong applicants mula sa Nobyembre 18.


Ang presyo ng PMC ay P7,000.00 para sa Premium/VIP, P6,000.00 para sa Patron seats sa Smart Araneta Coliseum at Special Ringside seats sa MOA Arena at Cuneta Astrodome, P4,000.00 naman para sa Patron C sa Lower box A hanggang C sa Smart Araneta Coliseum at Courtside ng MOA Arena at Cuneta Astrodome at P2,000.00 para sa Upper box A sa Smart Araneta Coliseum at Lower box sa MOA Arena at Cuneta Astrodome. – Marivic Awitan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PBA Conference Pass, pakakawalan na


No comments:

Post a Comment