Tuesday, November 19, 2013

Patronage politics mabubuwag sa pagkawala ng PDAF

MABUBUWAG na rin ang patronage politics.


Ito ang paniwala ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr.,at aniya’y malaking tulong ang desisyon ng Korte Suprema sa unconstitutionality ng PDAF o pork barrel lalo na sa pagpuksa sa patronage politics.


Inamin ni Belmonte na parte ng kabuuang sistema ng PDAF ang patronage politics kung saan nagagamit ng ilang pulitiko ang pondo sa sariling interes nila.


Paliwanag ni Belmonte, nung may PDAF ay may kontrol pa rin ang mga mambabatas at dito ay may kapangyarihan pa rin sila na manduhan ang pondo kahit aprubado na ang budget o ang General Appropriations Act na katapusan dapat ng papel ng isang mambabatas.


Bagama’t may mga kongresista aniyang dismayado sa desisyon ng Korte Suprema ngunit ang hatol na ito ay isa ring paglilinaw ng magkakahiwalay na kapangyarihan ng mga sangay ng gobyerno.


Ang pork barrel ay karaniwan nang hindi ipinamamahagi sa mga mambabatas na tumataliwas sa kagustuhan ng mayorya partikular sa mga nasa oposisyon.


Naunang sinabi ni Belmonte na bagama’t igagalang ng Kamara ang desisyon ng SC ay pag-aaralan aniya ng liderato kung paano magagamit ang nalalabing P12 bilyong pork barrel ng mga mambabatas ngayong 2013 sa mga naging biktima ng super typhoon Yolanda.


The post Patronage politics mabubuwag sa pagkawala ng PDAF appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Patronage politics mabubuwag sa pagkawala ng PDAF


No comments:

Post a Comment