Thursday, November 21, 2013

Passport cancellation, paglabag sa civil rights – Estrada

Ni Mario B. Casayuran


Iginiit ni Sen. Jose “Jinggoy” Ejercito Estrada na sinusupil ng kanselasyon ng kanyang pasaporte ang kanyang karapatang bumiyahe.


Sa kanyang liham kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Albert del Rosario, sinabi ni Estrada na walang nakasaad sa batas na may kapangyarihan ang kalihim ng DFA na kanselahin ang kanyang pasaporte base sa rekomendasyon ni Department of Justice (DoJ) Secretary Leila de Lima noong Oktubre 23.



Sinabi ni ng kanyang abogado na si dating Solicitor General Estelito Mendoza: “Before final judgment of conviction, not until the issuance of warrant of arrest by the Sandiganbayan upon determination of a probable cause may be the right to travel of the accused be limited if the Sandiganbayan issues a hold departure order.’’


Naiparating ang liham ni Estrada sa Central Records Division ng DFA noong Miyerkules.


Pinakakansela rin ng DoJ sa DFA ang mga pasaporte ni Senador Juan Ponce Enrile at Ramon “Bong” Revilla Jr. na tulad ni Estrada, ay kinasuhan ng plunder sa Office of the Ombudsman kaugnay sa controversial na P10 billion pork barrel scam.


Sinabi ni Mendoza na ang kanselasyon ng pasaporte ni Estrada ay isang paglabag sa kanyang karapatan sa ilalim ng Saligang-Batas at iba pang international convenant, partikular ang Universal Declaration of Human Rights at International Covenant on Civil and Political Rights.


Binatikos din ni Mendoza ang pahayag ni De Lima na posibleng tumakas si Estrada upang makaiwas sa pagkakaaresto, pagkakakulong at prosekusyon kaugnay sa plunder case na aniya ay walang basehan at sobrang pagmamalupit sa kanyang kliyente.


Noong Nobyembre 17, nakaalis si Estrada patungong United States upang kumuha ng hiwalay na opinyon mula sa mga eksperto hinggil sa bukol sa dibdib ng kanyang asawa na si Precious.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Passport cancellation, paglabag sa civil rights – Estrada


No comments:

Post a Comment