Monday, November 11, 2013

Parak itinumba ng riding-in tandem sa Maynila

PATAY ang isang parak nang barilin ng riding-in tandem sa Sta. Cruz, Maynila kanina.


Kinilala ang biktima na si SPO4 Antonio Castillo, idineklarang dead on arrival sa Jose Abad Santos Hospital, nakadestino sa Manila Police District.


Sa imbestigasyon, naka-duty ang biktima sa Tambakan St., Sta. Cruz Maynila nang lapitan ng dalawang suspek na sakay ng motor saka binaril sa likod ang biktima.


Inaalam na kung may kinalaman sa ilegal na droga ang krimen makaraang mabatid na isa ang biktima sa sumasawata sa nasabing usapin.


The post Parak itinumba ng riding-in tandem sa Maynila appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Parak itinumba ng riding-in tandem sa Maynila


No comments:

Post a Comment