Monday, November 18, 2013

Pangakong pondo ni Gatchalian, napako?

Hindi tinupad ni Valenzuela City Mayor Rexlon T. Gatchalian ang pangakong pondo sa tatlong opposition councilor, na sana ay ilalaan sa mga contractual employee ng pamahalaang lungsod. Sina First District Councilor Mar Morelos, Second District Councilors Rosalie Esteban-Cayco at Tyson Sy, ay hindi na makaaasa pa ng pondo mula sa executive office para sa 2013.



Nabatid na kamakailan, nakipag-usap ang grupo ni Morelos kay Gatchalian, dahil nangako umano ang alkalde na bibigyan na sila ng pondo pagkatapos ng barangay election.


Subalit laking gulat ng mga konsehal nang sabihin ni Gatchalian na wala silang makukuhang pondo para sa taong ito.


Simula nang maupo sina Morelos noong Hulyo 1 ay hindi sila binigyan ng pondo para sa mga contractual employee, pero ang siyam na kaalyadong konsehal ng alkalde ay binigyan umano ng pondo.


Sinabi pa ni Gatchalian sa tatlong konsehal na kung kailangan nila ng pondo ay kay Second District Rep. Magi Gunigundo sila humingi.


Sina Morelos, Cayco at Sy ay mga kaalyadong konsehal ni Gunigundo, na kilala sa grupong “Orange at Dilaw.” – Orly L. Barcala


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pangakong pondo ni Gatchalian, napako?


No comments:

Post a Comment