Thursday, November 7, 2013

PANANAW

Isang pangulo ng isang state university ang tumanggap ng maraming parangal ngayong taon.


Sa paghahanda sa selebrasyon ng ika-50 anibersaryo ng Federation of Provincial Press Clubs of the Philippines Inc. (FPPCP) kung saan host ang Aklan State Univerity (ASU), natuklasan naming si Dr. Danilo E. Abayon, pangulo ng ASU, ay tumanggap pala ng maraming award at papuri mula sa iba’t ibang institusyon dahil sa kanyang leadership at kahusayan.



Bilang pagkilala ng kanyang mahahalagang ambag sa pagtataguyod ng edukasyon at kultura, ginawaran si Dr. Abayon ng Highest Honor and Friendship Award ng Soka University sa Tokyo, Japan noong Oktubre 4. Ito ay bilang pagpapakita ng malalim na respeto at eternal friendship.


“Based on the outstanding leadership of president Danilo Abayon, your esteemed university has aimed for sustainable development of society and cultivated numerous capable individuals who have contributed in various field,” ani Soka University founder Daisaku Ikeda.


Natamo rin ni Dr. Abayon ang prestihiyosong Education Leadership Award mula sa 4th Asia’s Best B-School Award, isang leadership award para sa lahat ng lumilikha ng mga leader. Tinanggap ni Abayon sa Singapore.


Pinangaralan din ng Central Mindanao University (CMU)0 si Abayon ng pinakamataas na parangal ng unibersidad para sa isang alumnus, para sa institutional leadership. Tinamo ni Abayon ang kanyang Doctorate in Agricultural Science noong 1988 at Master in Agricultural Science noong 1983 sa CMU.


Si Dr. Abayon, na Diplomate in Tropical Animal Production mula sa Van Hall Larenstein Unversity of Netherlands, ay third president ng ASU mula nang likhain ito sa bisa ng Republic Act 9055 noong 2001, na isinulat ni dating Congressman Allen Salas Quimpo, na pangulo ngayon ng Northwestern Visayas Colleges.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PANANAW


No comments:

Post a Comment