Tuesday, November 26, 2013

Pahabaan ng speech…

PAGKATAPOS ng 18 years, naulit na naman ang pagta-tie ng Best TV Station ng PMPC Star Awards for TV. Nu’ng 1995 ay tie rin ang ABS-CBN 2 at GMA 7.


Parehong nanalo ang dalawang higanteng istasyon sa ginanap na 27th PMPC Star Awards for TV.

Naging comedy pa ang dating dahil hiniram ni Kuya Germs ang tropeyo na hawak ni Sir Bong Osorio (ABS-CBN Corporate Communications Head) habang nagpapasalamat siya para sa pagkapanalo ng GMA 7.


“Hiniram ko lang naman kasi nagpapasalamat ka wala namang tangan na trophy,” sey ng Mastershowman.


Ang nakakatawa pa, nakalimutan ibalik ni Kuya Germs dahil pagbaba niya ay may mga tao na siyang kausap. Pero binawi rin sa kanya ng mga taga-ABS ang Best Station trophy. Ipapagawa pa ang tropeyo para sa GMA 7 dahil nagtabla.


Maraming first timer na tumanggap ng acting awards kaya pahabaan sila ng speech gaya nina Aaron Villaflor bilang Best Drama Supporting Actor sa Juan dela Cruz (hindi rin nagpahuli sa haba ng speech ang ka-tie niyang si Arjo Atayde), KC Concepcion bilang Best Drama Supporting Actress, Nikki Gil(Best Single Performance By An Actress) at ang bida sa Annaliza na si Andrea Brillantes (Best Child Performer).


Rebelasyon at kontrobersyal ang acceptance speech ni Andrea na binu-bully siya ng ilang bata sa Goin’ Bulilit at sinasabihang pangit at hindi mananalo ng award. Hindi rin niya mapigilang umiyak.


First time rin na nanalo si Luis Manzano bilang Best Game Show Host kaya todo ang pasasalamat niya. Nakatanggap na siya ng Best Male TV Host, Best Reality Competition Host, Best Talent Show Host pero ngayon lang sa game show. Kumpleto na ang award niya pagdating sa hosting. Sabay umalis sa awards night sina KC Concepcion at Luis.


May intriga rin na umiwas si Billy Crawford kay Nikki Gil kaya hindi nakadalo sa Star Awards. Parehong wagi ang mag-ex. Nanalo si Billy bilang Best Male TV host para sa ‘It’s Showtime’.


Nagpasalamat na lang siya sa It’s Showtime sa napanalunan niya na kung saan ay binigyan pa siya ng bulaklak na terno sa suot niya. Nagkabiruan sa bulaklak na ‘yun at sey ni Billy…” Confused na naman ako, heto na naman ako.” Ha!ha!ha!


Proud naman si Kris Aquino kahit tinalo siya ni Vice Ganda bilang Best Celebrity Talk Show Host. Share-share lang daw ang drama.


Sabi ni Kris sa kanyang award winning program na Kris TV, “Ako ‘yung nanalo last year, pero hindi nanalo ang (Kris TV). O ngayon show ang nanalo pero si Vice ang nanalo, so congrats asawa.”


Itinanghal naman na Male Star of the Night si Coco Martin at si Kim Chui ang Female Star of the Night.


Ginawaran si German Moreno ng plaque of appreciation para sa kanyang mga ‘di matatawarang kontribusyon sa Philippine television.


Naging madamdamin naman ang pagkakatanggap ni Kitchie Benedicto ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award at Rey Langit sa Excellence in Broadcasting.


Ang kabuuan ng 27th PMPC Star Awards for TV ay mapapanood sa ABS-CBN Sunday’s Best sa December 1, 2013, at ito’y mula sa Airtime Marketing Philippines ni Ms. Tess Celestino at sa direksyon ni Al Quinn.


The post Pahabaan ng speech… appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pahabaan ng speech…


No comments:

Post a Comment