Friday, November 22, 2013

Pagpapa-sexy ni Danita Paner, may blessing ni Daisy Romualdez

ANO ba kasi ang nangyari at tila pinabayaan na ng TV5 ang daughter ni Tita Daisy Romualdez na si Danita Paner? Honestly, kumpara sa mga starlet na patuloy na binibigyan ng project ng Kapatid network, ‘di hamak na mas may karapatan naman si Danita sa kanila. Well, ramdam namin na darating ang araw ay tulad ni Alex Gonzaga ay makababawi rin si Danita at right career move ‘yung ginawa nitong pag-bare sa FHM Men’s Magazine na may blessings ng kanyang Mommy Dai.


At kung bakit madaling napa “oo” ang beteranang aktres, kasi pala during her younger days at indemand siya sa paggawa ng pelikula ay inalok siyang mag-pose sa Playboy Magazine (American edition). Kaya lang mahigpit ang parents ni Ti- ta Daisy kaya tinanggihan niya ang very tempting offer na dolyares ang ibabayad sa kanya.


Going back to Danita, dahil si Boss Vic del Rosario ang nagma-manage ng kanyang karera ay malamang na isabak din siya ng produ sa mga sexy drama movie like he did to Anne Curtis, Andi Eigenmann, Yam Concepcion and Cristine Reyes.

Hindi naman problema ito dahil may ipakikita rin naman si Danita at ang advantage niya ay ‘di siya retokada. Trulili gyud!


POKWANG, ANG TINDI NG ARRIVE SA CALL CENTER GIRL!


SI Pokwang ang tipo ng comedienne na hindi na kailangang mag-effort para mapatawa niya ang tao. Dito sa kanyang latest comedy film na Call Center Girl under Skylight and Star Cinema, ang tindi ng kanyang arrive at akma nga sa kanya ang bagong title na Global Queen. Naku! Hindi lang kayo maaaliw sa movie ng komedyana kundi kapupulutan n’yo pa ito ng aral lalo na sa pamilyang single parent lang ang bumubuhay sa mga anak. Wala ring dull moment sa pelikula dahil kasama rito ni Pokwang ang mga kapwa magagaling na komedyante tulad ni John “Sweet” Lapus, Chokoleit, Ogie Diaz at K Brosas na may kanya-kanyang highlight din.


agko-comedy ni Ejay Falcon na kilalang drama actor at action star na aminadong nag-adjust sa kanyang role at naitawid naman sa tulong ng director nilang si Don Cuaresma na virgin din sa paggawa ng ganitong klaseng pelikula.


Hangad ng mga producer ng nasabing film sa pangunguna ni Sir Enrico Santos ay kanilang mailarawan sa lahat ang totoong kuwento ng isang call center agent na pino-portray nga ni Pokie atbp. Para rin silang mga OFW na bayani ng ating lipunan. Habang tulog ang lahat, sila naman ay gising dahil pang-graveyard shift ang kanilang trabaho at dapat sa mga mag-aasam na pumasok sa ganitong uri ng work ay tanggapin n’yo na may pangalawang pamilya na kayo at sila ‘yung mga kasamahan n’yo sa call center.


First time namang makikita sa big screen ang p

Hindi mabubuo ang movie without Jessy Mendiola and Enchong Dee na nakailang project na sa Skylight Films. Gumaganap na anak ni Pokie si Jessy at boss naman ng komedyana si Enchong. Ang taray ng scene nila sa beach kung saan inoperan si Pokie na pahiran ng lotion ni Enchong.

Andaming naiingit na mga vaklush at nangako silang panonoorin ang movie dahil sa aliw factor na dala nito. Ops! Hindi lang ‘yan, abangan din sa pelikula ang love scene nina Pokie at ng kanyang ultimate crush mula pa noong dalagita siya na si Jestoni Alarcon na papang-papa pa rin ang dating hanggang ngayon at tunay na may mai- pagmamalaki.


Mapapanood na ang Call Center Girl, nationwide, sa November 27. Mga call center agent sa buong Pinas, watch n’yo na gyud!


NABIYAYAAN NG DAAN-DAANG LIBONG PISO SA SUGOD-BAHAY SA BARANGAY


HINDI sukat akalain ng mangga vendor na si Aling Cita ng Brgy. 791, Zone 86 Sta. Ana, Manila na sa kabila ng kahirapang dinaranas ng kanyang pamilya ay kakatok pa rin ang suwerte sa kanya.

Yes, si Aling Cita ang siyang nabunot ni Bossing Vic Sotto last Wednesday para manalo ng sangkatutak na papremyo sa Sugod-Bahay sa Barangay at sa hiling ng nasabing ginang na sana ay mapagawa ang bahay ng mga magulang sa Capiz na nasira ni bagyong Yolanda, imbes na P45K ang cash na regalo sa kanya ng Eat Bulaga ay ginawa itong P70K ni bossing. Siyempre tinanggap din ni Aling Cita ang mga regular na premyong cash, cellphone, grocery items, motorsiklo, passbook at ATM mula sa Bossing Savings Bank na siyang ipinamimigay ng Bulaga sa mga residenteng winner nila daily mula sa iba’t ibang barangay sa loob at labas ng Mega Manila.


Umabot sa halos P200,000 ang cash na naibigay sa nasabing winner.


The post Pagpapa-sexy ni Danita Paner, may blessing ni Daisy Romualdez appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagpapa-sexy ni Danita Paner, may blessing ni Daisy Romualdez


No comments:

Post a Comment