Tuesday, November 5, 2013

Pagiging No. 1, balewala kay Nadal

LONDON (Reuters)- Tatapusin ni Rafael Nadal ang taon bilang world’s top-ranked player sa ikatlong pagkakataon ngunit ‘di gaanong isinasaisip nang husto ng Spaniard ang kaganapan.


“Yes, I would rather be number one than not,” pahayag ng 27-anyos sa reporters sa ATP World Tour Finals sa London. “(But) it’s not the goal anymore.”



Sa pagkakataong ito, matapos na si Nadal ay ‘di nakita sa aksiyon sa Mallorca sanhi ng pagpapagaling sa kanyang pinsala sa tuhod at manahimik ng pitong buwan na naging usap-usapan rin kung ito’y magtatagal pa sa ibabaw ng naturang sport, may kakaibang pagkilos na ang Spaniard.


Simula nang magbalik noong Pebrero, humataw si Nadal sa matayog na daan, umakyat sa finals mula sa 13 sa kanyang 16 na torneo, inasinta ang 10 pagwawagi kung saan ay kasama na ang French Open at U.S. Open upang kunin ang kanyang grand slam haul sa 13, may apat na pagkaiwan lamang sa kabuuan ni Roger Federer.


Ang kanyang dominasyon ang nagbalik sa rurok ng kanyang tagumpay mula kay Novak Djokovic patungo sa pag-entra sa world rankings noong Oktubre 7, at kung pagbabatayan ang record, siya ay magiging unang manlalaro na dalawang beses na namintine ang year-end No.1 spot kung magwawagi ng dalawang matches sa linggong ito.


Kung mapapanatili naman ni Djokovic ang kanyang titulo at mapanalunan ang kanyang singles rubbers sa susunod na linggo sa Davis Cup, may tsansa pa rin itong ungusan ang Spaniard.


Ngunit kahit ano pa ang mangyari, ‘di pa rin mawawalan ng pag-asa si Nadal.


“It was (a goal) to end the year as number one in 2008 because you want to have it so you can say you had a great career. It would be sad not to be,” pahayag ni Nadal, suot ang puting “Vamos Rafa” T-shirt, sa napakalaking Thames-side O2 Arena.


“Now the goal is to be competitive. It makes me more happy to go to a tournament and win it. Being number one doesn’t make me feel more special when I’m playing a big tournament.”


Ang pagbabalik mula sa seven-month lay-off ang naging malaking bahagdan ni Nadal at sinabi nito na marami pang mga pagdududa sa kanyang mga tatahaking laban.


“It’s the most difficult thing I did in my career to get back,” ayon kay Nadal, sinimulan ang kanyang Group A campaign laban sa kapwa Spaniard na si David Ferrer noong Miyerkules.


“I’ve already ended the year twice as number one and if it happens again, great, but it won’t affect how I look back on my career.”


“I know you like the history of the number one ranking but for me the history of the year is my history after seven months not having the chance to compete and in a very short period of time being competitive again.”


“Sure I doubted it, even today I have doubts,” dagdag nito. “The doubts are part of life. The person who doesn’t have doubts is either stupid or arrogant and I don’t consider myself like this.” – Martyn Herman/ Sonia Oxley


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pagiging No. 1, balewala kay Nadal


No comments:

Post a Comment