Sunday, November 3, 2013

Pagbitay kay Zapanta itinakda na

ITINAKDA na ang petsa ng Saudi government sa pagbitay sa overseas Filipino worker (OFW) na nahatulan sa kasong murder sa nasabing bansa.


Iniulat ni presidential adviser on OFW concern at Vice President Jejomar Binay na sa loob ng kasalukuyang buwan ay itinakda ang pagbitay sa kababayang si Joselito Zapanta.


Nagpaso kahapon ang deadline para sa hinihinging P45-million “blood money” ng pamilya ng biktima.


Samantala, naghihintay pa rin ng balita ang gobyerno ng Pilipinas kaugnay sa patuloy na apela para mailigtas ang buhay ni Zapanta.


Ayon kay Foreign Affairs spokesperson Raul Hernandez, tiniyak nito na tuloy-tuloy ang pagsusumikap ng mga embassy official sa nasabing bansa para mailigtas ang buhay ng kababayan.


Umaasa ang pamilya Zapanta na mapagbigyan ang apelang pagpalawig ng deadline sa pagbabayad ng blood money habang ang nalikom pa lamang sa ngayon ay mahigit P6-million.


Si Zapanta ay nahatulan ng bitay sa kasong pagpatay sa isang Sudanese national noong 2009.


The post Pagbitay kay Zapanta itinakda na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagbitay kay Zapanta itinakda na


No comments:

Post a Comment