Thursday, November 14, 2013

Pagbisita sa Pinas ni New Zealand prime minister ipinagpaliban

IPINAHAYAG ngayon ng Malacañang na ipinagpaliban ni New Zealand Prime Minister John Key ang kanyang Official Visit sa bansa ngayong Nobyembre.


Nakasaad sa statement ng Office of the Presidential Spokesperson na iniiwasan ni Key na makasagabal ang kanyang pagbisita sa ginagawang relief and rehabilitation sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda.


Nakatakda sanang bumisita sa bansa ang Prime Minister sa Nobyembre 20-22 kasunod ng imbitasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III nang nagsagawa ng state visit sa New Zealand sa 2012.


Kasabay ng anunsyo, inihayag ni Key ang deployment ng Royal New Zealand Air Force C-130 Hercules aircraft para magdala ng emergency supplies sa bansa at magbigay ng transport support sa relief efforts.


Una nang nangako ang New Zealand ng NZ$2.15 million humanitarian assistance sa biktima ng bagyong Yolanda at NZ$2.3 million bilang pandagdag sa disaster relief supplies ng Philippine Red Cross.


Tinawagan din ni Key ang Pangulong Aquino para ipaabot ang pakikisimpatya sa pinsala at pakikiramay sa mga naulila dahil sa bagyo.


Labis naman ang pasasalamat ng Pangulong Aquino sa nasabing gesture ng New Zealand prime minister.


The post Pagbisita sa Pinas ni New Zealand prime minister ipinagpaliban appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagbisita sa Pinas ni New Zealand prime minister ipinagpaliban


No comments:

Post a Comment