Friday, November 22, 2013

PAGASA, PONDOHAN

PAGASA, paglaanan ng sapat na pondo; forecasters, bigyan ng angkop na sahod, double-dead na baboy kinain. Ang Pilipinas na taun-taon ay dinadalaw ng mahigit sa 20 bagyo, dapat lamang na ang pamahalaang nakaluklok, sino man ang Pangulo ay kailangang iutos ang paglalaan ng sapat na pondo sa national budget para sa pagbili ng mga modernong kagamitan sa pagdetect ng bagyo o ano pa mang kalamidad.



Bukod dito, dapat ding taasan o bigyan ng makatwirang pasahod ang mga tauhan ng PAGASA, lalo na ang weather forecasters, na parang mga kawawa, malnourished at kulang sa angkop pananamit kapag mag-uulat sa telebisyon o kinakapanayam ng mga mamamahayag.


Maraming kababayan natin mula sa ibang bansa, tulad ng US, ang labis ang panlulumo sa pananalasa ng super-bagyong Yolanda sa Pinas. Awang-awa sila sa mga biktima ng super typhoon sa Eastern Visayas, Panay Island, Northern Cebu, at maging sa ilang parte ng Bicol at Palawan. Nakausap ko ang kapatid kong doktor mula sa Florida at sinabi niyang dapat mabatid ng gobyerno at ng mga Pinoy na kada taon ay may mga bagyong nananalasa sa bansa kung kaya sa bawat ordinaryong pagulan, dapat ay sinasahod nila ang mga patak ng ulan at ipunin upang sakaling dumating ang krisis o bagyo na nagwawasak sa mga pasilidad gaya ni Yolanda, hindi sila kakapusin ng tubig na maiinom!


Isang lady banker naman ang nagsabi na hindi sana nakapagkomento si CNN anchor reporter Anderson Cooper hinggil

sa di-organisado at mabagal na pagtugon ng Aquino admin sa mga pangangailangan ng typhoon survivors kung inatasan lang agad ni PNoy o ni DILG Sec. Mar Roxas ang PNP na magpunta sa mga lugar ng kalamidad. Sana raw ay napigilan ang looting sa mga grocery stores, NFA warehouse, pagwasak sa mga ATM at panloloob ng mga kriminal sa pribadong bahay. Inuna rin daw sana ang paglilinis ng mga fallen trees at debris sa lansangan upang makadaan ang mga truck at sasakyan na magdadala ng relief goods.


Pero, sabi nga sa English: “In a hindsight, every one is a genius.” O pagkatapos ng lahat, noon lang nalalaman ang dapat ay tama sanang ginawa. Inuulit ko, pinatunayan ng US na siya ang talagang kaalyado at kaibigan sa panahon ng krisis.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PAGASA, PONDOHAN


No comments:

Post a Comment