Wednesday, November 13, 2013

Pag-reformat sa ‘Buzz,’ may kinalaman sa political ambition ni Boy?

Ni Jimi Escala


BOY Abunda MAGTATATLONG linggo nang nasa America si Boy Abunda kasama ang “special friend” niyang si Bong Quintana at purely bakasyon lang daw ‘yun na sort of regalo ng King of Talk para sa sarili.


Bukas uuwi ng Pilipinas ang main host ng reformatted Buzz ng Bayan na habang nasa America ay panay ang tawag sa kasamahan sa bahay para kamustahin ang kanyang ina. Bago tumulak papuntang America ay siniguro ni Kuya Boy ang kalagayan ng kanyang Nanay Lising na pinangangalagaan ng isang private medical team.



Super enjoy daw si Kuya Boy sa bakasyon niya at nag-iikot daw siya sa iba’t ibang lugar sa US. Pero nang dumating si Yolanda na isa sa mga naapektuhan ang Borongan, Samar (sinilangang bayan niya) ay muntik na sana niyang putulin ang bakasyon! Inalam agad ni Kuya Boy ang kalagayan ng mga kababayan at kamag-anak niya sa Samar.


“Okey naman ang mga kamag-anak ni Sir Boy sa Borongan, pero ang magandang resort niya sa Borongan fronting the beach front medyo nasira but hindi naman kasing devastated kaysa mga nangyayari sa Tacloban,” sey sa amin ng ever loyal secretary ni Kuya Boy na si Philip.


Samantala, may mga nagsasabi na may kinalaman daw sa planong pagpasok sa pulitika ng King of Talk ang pag-reformat sa The Buzz. Almost sure na raw kasi na tatakbo para gobernador ng Samar sa 2016 si Kuya Boy. Banggit ng isang staff ng show, naging interactive na ang Buzz para lalong abot na abot ng masa (karamihan ng mga botante) ang King of Talk.


“Sa totoo lang naman, ni-reformat man o hindi, walang talo si Sir Boy kung talagang papasukin niya ang pulitika. Malinis naman kasi ang intensiyon niya, ang gusto lang niyang tulunggan ang buong lalawigan ng Samar,” banggit pa rin aming source.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pag-reformat sa ‘Buzz,’ may kinalaman sa political ambition ni Boy?


No comments:

Post a Comment