Wednesday, November 6, 2013

Pag-ibig sa ‘Katipunan’

Ni Nora Calderon


SA ikaapat na episode ng Katipunan ay mapapanood na ang pag-ibig at rebolusyon ay parehong nangangailangan ng pagpaplano at istratehiya.


Maipakikita ni Andres Bonifacio na tama ang pananaw na ito ng sumulat ng librong Don Quixote.



Para mapaibig ang batang-batang si Gregoria de Jesus (Oriang), gagamit si Andres ang mga taktikang kakaiba sa kanyang panliligaw. Labindalawang taon ang agwat ng kanilang edad at mas mayaman ang ibang nanliligaw ni Oriang. Mayaman ang pangarap ng kanyang mga magulang na mapangasawa niya.


Pero dahil sa matalinong pagpaplano, si Andres ang iibigin ni Oriang.


At sa ngalan ng pag-ibig, ipakikita ni Oriang ang kanyang tatag ng loob at isip. Makagagawa siya ng paraang legal upang mapilitan ang kanyang mga magulang na basbasan ang pag-iibigan nila ni Andres.


Pag-iibigan sa gitna ng nagbabadyang digmaan ang mapanonood ngayong Sabado sa Katipunan, 10:15 ng gabi sa GMA-7 at mapapanood din sa GMA News TV tuwing Linggo, 7:15 ng gabi.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pag-ibig sa ‘Katipunan’


No comments:

Post a Comment