Thursday, November 7, 2013

Pacquiao, wala pang planong magretiro

Iginiit ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na wala sa isip niya na talikuran ang boksing kahit matalo pa siya sa laban kay Mexican-American Brandon “Bam Bam” Rios sa Nobyembre 24 sa Macau, China.


Mula sa ulat ng malaymailonline.com kamakailan, idineklara ng eight division world champion na hindi magbabago ang kanyang pasya kung sakali mang talunin siya ng 27-anyos na si Rios.



“I feel comfortable and confident about going on to win this fight,” pahayag ni Pacquiao. “I am not looking to retire if I lose this fight. My motivation is that boxing is in my blood. I enjoy it and I like to entertain my fans worldwide.”


Nakatakdang humarap ang 34-anyos na Pinoy boxing icon sa pinakamahalagang laban ng kanyang karera upang maibalik ang sarili sa dating estado bilang best pound-for-pound fighter ng kanyang henerasyon at para na rin putulin ang dalawang sunod na pagkatalo kina WBO welterweight champiom Timothy Bradley (SD 12) at Juan Manuel Marquez (KO 6).


“It’s one of the most important fights of my career because I want to show my fans and the world that I can still compete at a high level with elite boxers,” dagdag ni Pacquiao.


Idinagdag ni Pacquiao na hindi siya naapektuhan ng mga nasabing kabiguan niya sa ibabaw ng ring.


“It doesn’t affect me. As far as boxing is concerned sometimes you win and sometimes you lose,” pagtatapos ni Pacquiao.- Gilbert Espeña


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pacquiao, wala pang planong magretiro


No comments:

Post a Comment