Friday, November 22, 2013

Pacquiao-Rios bout, matutunghayan sa GMA Network bukas


Handang-handa na sa kanyang muling pagyapak sa lona ng parisukat si eight-division world champion Manny “Pacman” Pacquiao upang pagtuunan ang bakanteng WBO International welterweight title laban sa dating WBA World welterweight champion Brandon “Bam Bam” Rios sa Cotai Arena, Venetian Macao-Resort Hotel sa Macau.



Mapapanood ang laban, pinamagatang “Manny ‘Pacman’ Pacquiao vs. Brandon ‘Bam Bam’ Rios, the Clash in Cotai” via satellite sa GMA Network bukas sa ganap na alas-11:00 ng umaga pagkatapos ng “Ang Bagong Hamon: Pacquiao-Rios Primer.”


Mapapakinggan naman ang live blow-by-blow updates ng laban simula sa alas-9:00 ng umaga sa flagship AM station ng GMA na dzBB 594, FM station Barangay LS 97.1 at sa lahat ng RGMA stations nationwide.


“This is going to be a good fight. All-action. I’m going to do my best to put my name back on the top of boxing,” sinabi ni Pacquiao sa LA Times tungkol sa kanyang unang laban sa labas ng Estados Unidos matapos ang sagupaan nila ni Oscar Larios sa Pilipinas noong 2006.


Matindi ang naging training ni Pacquiao sa ilalim ng kanyang coach na si Freddie Roach para sa laban

na inaabangan ng boxing fans at supporters ng Filipino boxing hero sa buong mundo.


Si Pacquiao ay may 54-5 record, kasama na ang 38 KOs at 2 draws kontra sa 31 wins, 1 loss at 1 draw ni Rios.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pacquiao-Rios bout, matutunghayan sa GMA Network bukas


No comments:

Post a Comment