Saturday, November 23, 2013

Pacquiao, makikipagsabayan kay Rios para sa sambayanang Pilipino


Ni Gilbert Espeña


“Laban para sa bayan!”


Ito ang inihayag kahapon ni eight-division world champion Manny Pacquiao matapos ang opisyal na weigh-in para sa kanilang laban ngayon ng Amerikanong si Brandon Rios sa Macau, China.



Tumimbang si Pacquiao ng 145 pounds samantalang mas mabigat si Rios na 146.5 lbs na ginanap sa Cotai Arena sa The Venetian para sa WBO International welterweight title bout.


Sa panayam ng BoxingScene.com, aminado si Pacquiao na mas gutom siya sa panalo kaysa kay Rios dahil dalawang beses siyang natalo noong nakaraang taon at nakaamba ang pagreretiro kung muli siyang lalasap ng kabiguan sa ibabaw ng lona ng parisukat.


“Brandon Rios says he’s hungry to win this fight and I also say I’m hungry to win this fight because I’ve lost twice last year,” sinabi ni Pacquiao. “I’m doing my best to win this fight and give a good fight, especially with what happened to my countrymen.”


Kaagad didiretso si Pacquiao bukas sa mga napinsalang lugar sa Kabisayaan para personal na tumulong sa mga biktima ng bagyong ‘Yolanda’.


“To all the people and the families who have been affected by this storm, the typhoon – this fight is for you,” diin ng Pambansang Kamao na nangakong tatapusin sa ring ang hidwaan ng kanyang trainer na si Freddie Roach at dating conditioning coach na si Colombian Alex Ariza. “Let this finish in the ring and not in trash talk before the fight.”


“All I can say is this is sports. This is nothing personal, we are doing our job in the ring,” dagdag ni Pacquiao. “Anyone who has a grievance should forgive as the Lord forgives.”


Ayon kay Pacquiao, siya na ang bahala kay Rios sa sandali ng kanilang laban.


“Brandon Rios is a very aggressive fighter. I think a fight with him is going to be a good fight and a lot of boxing in the ring

and we can give a good fight to make people happy…I will take care of him in the ring,” pahayag ni Pacquiao. “I told Freddie relax and don’t be distracted of our focus. Don’t get affected from what they did to you. Let’s maintain our focus on the

fight.”


Hinggil naman sa ipinangako ng Top Rank na laban kay WBC welterweight champion Floyd Mayweather Jr., iginiit ni Pacquiao na wala sa kanya ang problema kundi sa Team Mayweather.


“I’m willing to to fight, but it depends on all them if they’re willing to fight also. That’s the problem. Aside from that everything is fine.


It’s up to them if they want to fight,” dagdag ni Pacquiao.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pacquiao, makikipagsabayan kay Rios para sa sambayanang Pilipino


No comments:

Post a Comment