Saturday, November 23, 2013

Pacquiao ipagbubunyi sa Tacloban ngayon

NAKAHANDA nang ipagbunyi ng Tacloban City ang boxing icon na si Emmanuel “Manny” Pacquiao ng Sarangani ngayong Linggo.


Patuloy silang nagsisikap na makabangon mula sa walang katulad na pinsalang iniwan ng napakalakas na bagyong “Yolanda.”


Ani City administrator John Tecson Lim, sabik na silang mapanood ang laban ni Pacquiao kay Brandon Rios sa pamamagitan ng telebisyon na ilalagay sa iba’t ibang dako ng lungsod.


Ang tagumpay ni Pacquiao ay napakahalaga sa lungsod na ito na pinag-alayan ni Pacquiao ng kanyang laban.


Sinabi pa ni Lim na sa pulong ng inter-agency committee rito na nakikipag-ugnayan ang pamahalaang lungsod sa isang television network para maglagay ng mga telebisyon nang mapanood ng mga tao ang laban ni Pacquiao.


Biyernes ng umaga nang ipasiya nilang isang pook na hindi kalayuan sa City Hall ang gagawing isa sa mga lugar para mapanood ng mga tao ang nabanggit na laban ni Pacquiao.


The post Pacquiao ipagbubunyi sa Tacloban ngayon appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pacquiao ipagbubunyi sa Tacloban ngayon


No comments:

Post a Comment