Tuesday, November 5, 2013

P2B kita ng MWSS sa 2012, pinabulaanan

Iginiit ng Filipino for Accountability and Reform (FAR) na nalugi ang Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS) kasabay ng panawagan kay Pangulong Benigno S. Aquino III na sibakin ang administrador ng ahensiya na si Gerardo Esquivel dahil sa maling impormasyong ibinigay sa Pangulo na kumita umano ng P2 bilyon noong 2012.



Ayon kay Silvestre Liwanag, pangulo ng FAR, malaking kahihiyan para kay Pangulong Aquino nang banggitin nito sa kanyang talumpati sa telebisyon noong Oktubre 30 na isa ang MWSS sa mga ahensiya ng pamahalaan na may magandang record of permormance.


Base sa record na ibinunyag ni Napoleon Quinones, MWSS Labor Association official, P588 milyon lamang ang kinita ng ahensiya kung saan “paper gain” lang umano ang napaulat na P2 bilyon kinita noong 2012.


Ayon kay Liwanag, posibleng maipit si Pangulong Aquino sa pagsasabing may P2 bilyong kinita ang MWSS noong 2012, samantalang ang P1.3 bilyon ay paper gain lamang o hindi aktuwal na kinita ng ahensiya.


Aniya, ang P1.3 bilyon ay bahagi ng magandang performance ng piso laban sa US dollar.


Iniulat pa ng grupo, wala halos kinita ang MWSS bunga ng labis na paglulustay ng pera na sa kasalukuyan liderato na mariing tinututulan ng Commission on Audit.


Sinabi naman ni Jason Luna, convenor ng Coalition of Filipino Consumers (CFC), ginamit na dahilan ng MWSS board ang nasabing kita para may basehan ang milyun-milyong bonus at allowance na tinanggap ng board ngayong 2013. – Jun Fabon


.. Continue: Balita.net.ph (source)



P2B kita ng MWSS sa 2012, pinabulaanan


No comments:

Post a Comment