Monday, November 18, 2013

P20M medisina ayuda ng Israelis sa Yolanda victims

IPAMAMAHAGI ng bansang Israel ang $500,000 o mahigit sa P20 milyon halaga ng mga gamot sa Cebu Provincial Government.


Ang nasabing mga gamot ay ipapamahagi ng Israeli Defense Forces (IDF) sa mga naging biktima ng supertyphoon Yolanda.


Sinasabing mismong si IDF Major Gen. Eyal Eizenberg at Israeli Ambassador Menashe Bar-on ang personal na magbibigay nito sa provincial government.


Nabatid na pansamantalang sa Bogo City Cebu nagsasagawa ng relief efforts ang bansang Israel.


Samantala, nagsagawa ng stress debriefing ang Department of Social Welfare and Services sa Central Visayas (DSWS-7) sa loob ng mga evacuation centers para sa survivors na mula pa sa Eastern Visayas na nabiktima ng malakas na bagyo.


Layunin nito na maibsan ang kanilang naramdamang pagka-shock mula nang tumama ang bagyo.


Nabatid na marami pa rin sa surivors ang nakararamdam ng trauma bunsod ng hagupit ni super typhoon Yolanda.


Sa ngayon, patuloy na nakaantabay ang DSWS sa kalagayan ng mga biktima na sinasabing mahigit 10,000 evacuees na ang dumating sa Cebu, at inaasahang lolobo pa sa mga susunod na araw.


The post P20M medisina ayuda ng Israelis sa Yolanda victims appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



P20M medisina ayuda ng Israelis sa Yolanda victims


No comments:

Post a Comment