Sunday, November 17, 2013

P20-B rehab funds, isasama sa 2014 national budget

HINDI na kukuha ng panibagong tauhan ang pamahalaan dahil nakatakdang bawasan ng P20 bilyon ang pondo para sa Miscellaneous Personnel Benefits Funds (MPBF) upang ilaan sa reconstruction at rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ng supertyphoon Yolanda at iba pang kalamidad sa Visaya at Zamboanga City.


Inihayag ni Senador Francis “Chiz” Escudero na nakatakdang isumite ng Senate finance committee ang P2.3-trilyon 2014 national budget kasama ang P20-B reconstruction and rehabilitation funds para sa lugar na sinalanta ng mga nakaraan kalamidad partikular ang Yolanda.


Sinabi ni Escudero na kasama sa committee report ng 2014 national budget ang panukalang pagbubuo ng P20-B reconstruction and rehabilitation fund sa lugar na sinalanta ni Yolanda, 7.2 magnitude earthquake sa Bohol, bagyong Santi at Labuyo sa Central Luzon, at pag-atake sa Zamboanga City.


Kasama rin sa report ang mas estriktong probisyon sa paglalantad, pagtutuos at liability sa paggamit hindi lamang ng calamity fund kundi lahat ng pondo sa pambansang gastusin.


Bukod dito, kasama sa badyet ang P70-B pondo para sa climate change adaptation and disaster risk reduction programs and projects.


The post P20-B rehab funds, isasama sa 2014 national budget appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



P20-B rehab funds, isasama sa 2014 national budget


No comments:

Post a Comment