Tuesday, November 19, 2013

P100M kakailanganin para sa Tacloban airport

TINIYAK ni Transportation and Communication (DOTC) Secretary Jose Emilio Abaya na sa tamang panahon, maisasaayos muli ang Tacloban airport.


Sa ngayon, tuloy-tuloy ang commercial flights sa paliparan kasabay ng paggamit sa airport bilang relief hub ng mga sinalanta ng bagyo, gayundin ang pagsasakay ng mga C-130 plane ng mga nais umalis ng Tacloban.


Ang usapan aniya sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Armed Forces of the Philippines (AFP), commercial flights ang aasikasuhin sa umaga at military at relief efforts naman sa hapon.


Hindi pa rin maayos ang mga pasilidad sa paliparan sa ngayon- walang bubungan, walang runway lights, walang arrival at pre-departure area.


Para sa rehabilitasyon sa paliparan, magiging bahagi aniya ng kanilang isusumite sa emergency infrastructure plan ang pag-aayos sa kasalukuyang itsura ng Tacloban Airport.


Kasabay ng pagtiyak na magagamit ang airport, uumpisahan nang i-develop ang bagong terminal na mas malaki.


Oras na maihatid na ang lahat ng mga nais umalis ng Tacloban, uumpisahan na nilang ayusin ang Tacloban Airport para maprotektahan ang mga pasahero.


Sinabi ng kalihim na P100 million roughly ang nakita niyang gastos sa combined infrastructure at needed equipment na kanyang ilalatag sa meeting.


Isusumite aniya ito sa ipatatawag na pulong ni Pangulong Noynoy Aquino ukol sa emergency infrastructure plan.


Positibo si Abaya na magiging mabilis ang paglalatag nito dahil sa ilalim ng emergency procurement law, mas swabe ang daloy ng mga proseso.


The post P100M kakailanganin para sa Tacloban airport appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



P100M kakailanganin para sa Tacloban airport


No comments:

Post a Comment