Monday, November 25, 2013

P.1-M pabuya para sa killer ng budget officer sa Bulacan

Norzagaray, Bulacan- Naglaan ng P100,000 reward money si Norzagaray Mayor Fred Germar para sa agarang ikadarakip ng mga suspek sa pagpatay kay Municipal Budget Officer Yolanda Ervas na itinumba ilang hakbang lamang mula sa pintuan ng simbahan nitong linggo ng umaga.


Sa ekslusibong panayam ng Remate kay Mayor Germar, sinabi nitong bukod sa P100,000 pabuya na kanyang inilaan para sa agarang ikadarakip ng mga salarin, ipinag-utos na rin niya kay P/Supt. Enrico Vargas, hepe ng pulisya sa bayang ito, na tugisin at papanagutin ang mga nasa likod ng pamamaslang.


Napag-alaman pa kay P.Supt. Vargas na, kasalukuyan silang nakikipag ugnayan sa ilang naka-saksi sa krimen at mga may ari ng kabahayan na may CCTV camera na malapit sa pinangyarihan ng krimen.


Napag-alaman naman mula sa ilang kaibigan ni Ervas na, ilang araw bago ang pamamaslang ay napansin na ng mga kapitbahay na may umaaligid na mga naka-motorsiklong kalalakihan sa harap ng bahay ng biktima.


Isang kaibigan ni Ervas na ayaw magpabanggit ng pangalan dahil sa takot, ang nagsabi naman sa Remate na may ilang linggo nang may namuuong alitan sa pagitan ni Vice Mayor Arthur Legaspi, anak ni ex-mayor Feliciano Legaspi, dahil sa pagtutol na pumirma at sumang-ayon ni Ervas sa ilang dokumentong mula sa Sangguniang Bayan na may kinalaman sa pondo.


Matatandaang naging kontrobersiyal si Ervas noong siya pa ay Budget Officer sa panahon ng panunungkulan ni Ex-Mayor Legaspi dahil inalis ito sa kanyang tungkulin at ipinatapon ng dating alkalde sa palengke kung kaya naghain naman ng kaso sa Ombudsman ang 59-anyos na ginang na pinaboran ng OMB sa isang desisyon na nagsuspinde kay Legaspi noong Dec. 12, 2012.


Nang matalo noong nakaraang May 2013 election si Legaspi, inilagay muli ni Mayor Germar si Ervas bilang Budget Officer.


Kasalukuyan namang nangangalap ng pondo ang mga kaibigan ni Ervas para madagdagan ang reward money na gagamitin sa agarang ikadarakip ng mga suspek.


The post P.1-M pabuya para sa killer ng budget officer sa Bulacan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



P.1-M pabuya para sa killer ng budget officer sa Bulacan


No comments:

Post a Comment