Sunday, November 3, 2013

Outgoing barangay chairman, pinatay ng kapitbahay

Dobleng kamalasan ang inabot ng isang barangay chairman, na natalo sa re-election noong barangay polls, matapos siyang mabaril at mapatay ng nakaalitan niyang kapitbahay na hinuli niya dahil sa jumper ng kuryente sa Tondo, Maynila, Sabado ng gabi.



Tatlong bala ng baril ang kumitil sa buhay ni Arnaldo Ramos, 57, chairman ng Barangay 209, Zone 19, at residente ng 2637 Severino Reyes Street, Tondo, Maynila.


Samantala, tinutugis ng Manila Police District (MPD) ang suspek na si Eduardo Manansala, alyas “Eddie Pusa.” Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Jonathan Moreno, ng MPD-Homicide Section, dakong 7:46 ng gabi nang mangyari ang krimen sa harap ng bahay ng biktima.


Katatapos lang manigarilyo ng biktima at aakyat na ng bahay nang sumulpot ang suspek at walang sabisabing pinagbabaril ito bago tumakas.


Ayon sa pulisya, lumang alitan ang posibleng motibo sa krimen dahil dati na umanong may sama ng loob ang suspek sa biktima nang hulihin ito ng huli dahil sa jumper ng kuryente. – Mary Ann Santiago


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Outgoing barangay chairman, pinatay ng kapitbahay


No comments:

Post a Comment