Thursday, November 7, 2013

Oratio Imperata vs ‘Yolanda’

Umapela ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa lahat ng obispo na pangunahan ang pagdarasal ng

“oratio imperata” sa harap nang pananalasa sa bansa ng super typhoon “Yolanda.”


Ayon kay CBCP outgoing president at Cebu Archbishop Jose Palma, malaki ang maitutulong ng sama-samang pagdarasal para iligtas sa kapahamakan ang mga mamamayan mula sa hagupit ni Yolanda.



“Sa lahat ng nakikinig sa Radio Veritas ito po si Archbishop Jose Palma ng Cebu, nanawagan po tayo una sa lahat ng mga kapatid natin na mga obispo na sana po they will exhort out priest to lead in a prayer (oratio imperata) against impending calamities,” panawagan pa ni Palma.


Iginiit ni Palma na nararapat lamang magkaisa ang lahat sa pananalangin upang lumihis ang bagyo sa alinmang panig ng bansa at hindi na makapaminsala.


“Alam po natin na napakalakas ng typhoon Yolanda and we pray that it would not really hit us or bring havoc to the country, we have had enough calamities through earthquake last Oct.15 at sana nga po through our prayers, you know with God’s help hindi po masyadong malalala yung epekto nitong typhoon Yolanda. Uulitin ko po we exhort our priest to

lead our prayer (oratio imperata) against impending calamities you may download it sa CBCP website. Ulitin po natin through our prayers sana nga po typhoon Yolanda will not bring much havoc disaster sa ating bayan. God bless,” aniya pa. – Mary Ann Santiago


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Oratio Imperata vs ‘Yolanda’


No comments:

Post a Comment