Monday, November 4, 2013

Operasyon ng MRT naantala dahil sa bitak

Nanggagalaiti ang daan-libong pasahero nang maantalang muli ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT) matapos madiskubre ang maliit na bitak sa riles ng tren kahapon ng umaga.



Bandang 6:10 ng umaga nang maantala ang mga pasahero sa Quezon Ave. Station sa EDSA nang pansamantalang itigil ang operasyon ng tren. Dahil dito, naapektuhan ang biyahe ng mga MRT train sa North Avenue hanggang Ortigas Ave., kung saan sa Shaw Boulevard hanggang Taft Avenue lamang ipinagpatuloy ang operasyon.


Nabatid na ganap na 6:30 ng umaga nang maibalik ng mga technician ang operasyon sa lahat ng MRT station. Nagkaroon naman ng bahagyang gulo sa ilang estasyon, lalo na Quezon Avenue matapos magsibalikan ang mga pasaherong sumingit sa mahabang pila. Sinabi ng mga technician na isang hairline crack ang sanhi ng problema sa naturang estasyon ng tren.


Napag-alaman kay MRT General Manager Al Vitangcol, dakong 5:50 ng madaling araw ng lumitaw sa mga indicator ng kanilang mga tren ang aberya.


Bunsod nito, agad pinahinto ng management ang operasyon ng tren para maberipika ang naitalang alarm signal. – Jun Fabon


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Operasyon ng MRT naantala dahil sa bitak


No comments:

Post a Comment