Monday, November 11, 2013

Oklahoma City, umugong kontra Washington

Malinis na nasupalpal ng sentro ng Oklahoma City Thunder na si Steven Adams, kanan, ang attempt ni Trevor Ariza ng Washington Wizards sa ikatlong quarter ng kanilang NBA basketball game sa Oklahoma City kahapon. Nagwagi ang Thunder, 106-105, sa overtime. (AP Photo/Sue Ogrocki)


OKLAHOMA CITY (AP) – Nagtala si Kevin Durant ng 33 puntos, 12 rebounds at anim na assists, kabilang ang 3-pointer na nagtabla sa laro sa regulation at ang go-ahead foul shots sa overtime, upang iangat ang Oklahoma City Thunder kontra Washington Wizards, 106-105, kahapon.


Nagmintis si John Wall sa kanyang driving layup attempt sa buzzer para sa Washington na target ang ikatlong sunod na panalo.



Naiposte ni Bradley Beal ang kanyang career-high na 34 puntos para sa Wizards.


Nagtapos naman si Serge Ibaka na may 25 puntos at 12 rebounds para sa Thunder na nalamapasan ang 12 puntos na depisito sa ikaapat na quarter sa unang pagkakataon mula nang lumipat ang prangkisa sa Oklahoma City.


”That was definitely a resilient win,” pahayag ni coach Scott Brooks. ”It was that never-quit mentality that we’ve always believed in and that’s what happened tonight. We just battled and battled and battled and gave ourselves a chance to win down the stretch.”


Tangan ng Washington ang kalamangan sa malaking bahagi ng ikalawang hati ng laro. Lamang ang Wizards sa 83-71 matapos ang isang dunk ni Martell Webster sa natitirang 8:03 sa fourth quarter at 92-82 sa nalalabing 3:26. Ngunit nagawa lamang nilang makagawa ng dalawang basket sa huling tatlong minuto na ginamit naman ng Oklahoma City upang makabalik sa laro.


Gamit ang maliit na lineup, tinapos ng Oklahoma City ang regulation sa kanilang 14-4 run. Naging highlight ng atake ang 3-pointer ni Durant sa natitirang 13.6 segundo.


”That last three minutes was some of the best basketball I’ve seen out of us since I’ve been here,” ani Durant. ”I’m very proud of how we played at the end of the game. We have to do better, but that’s a good stepping stone for us.”


Nagpalitan ng kalamangan ang dalawang koponan sa overtime. Nakaabante ang Wizards sa 105-102 matapos ang driving layup ni Marcin Gortat sa nalalabing 1:20. Matapos makaiskor ni Ibaka upang paliitin ang lamang ng Washington sa isang puntos, nasupalpal ni Durant ang attempt ni Wall at tumakbo patungo sa kabilang dulo ng court kung saan siya na-foul. Naipasok niya ang dalawang free throw para sa 106-105 abante, 40.7 segundo pa ang natitira.


”We started off the game relaxed, like we were supposed to win this game, as if they were just going to lie down,” saad ni Durant. ”We can’t come out like that.”


Resulta ng ibang laro:

San Antonio 120, NY Knicks 89

Phoeniez 101, New Orleans 94

Minnesota 113, LA Lakers 90


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Oklahoma City, umugong kontra Washington


No comments:

Post a Comment