Monday, November 4, 2013

OKC, dumagundong


Westbrook, naka-21 puntos sa kanyang pagbabalik para sa Thunder


OKLAHOMA CITY (AP) – Matapos ang anim na buwang pagkakatengga, unti-unti nang nagbabalik sa dati ang laro ni Russell Westbrook.


Nagposte ang All-Star point guard ng 21 puntos at pitong assists upang tuluyang igiya ang Oklahoma City Thunder sa 103-96 na panalo laban sa Phoenix Suns.



Naging dominante naman si Kevin Durant sa kanyang 33 puntos at 10 rebounds para sa Thunder na nakuha ang ikalimang sunod na panalo sa kanilang home opener at tinalo ang Phoenix (2-1) sa ika-11 sunod na pagkakataon. Huling tinalo ng Suns ang Thunder (2-1) noong Disyembre 2010.


Napaaga ang pagbabalik ni Westbrook, na-sideline matapos mapunit ang lateral meniscus sa kanang tuhod sa ikalawang laro ng NBA playoffs, ng may tatlo hanggang limang linggo. Sinabi niya bago ang laro na hindi niya inakalang ganoon katagal ang kinailangan ng kanyang pagbabalik.


Matapos ang laban, sinabi niyang nangangapa pa siya ngunit naging kuntento naman sa kanyang naging pagpapakita.


”I just missed some easy ones but that will come,” sabi ni Westbrook. ”I’m able to do what I want. I could be better but that’s all right. That’s expected. I’m not expected to come back and be bionic man. I’m just going to work my way through it.”


Natuwa naman ang coach ng Thunder na si Scott Brooks na inilaro ni Westbrook.


”There are two things that (Westbrook) does at a high level,” ani Brooks ”He wins. He’s a winner. The guy plays the game like it’s supposed to be played. It’s not always going to be perfect but he plays with everything he has every single night. To me that’s inspiring. The second thing is leadership. It’s taken him some time to get that . Now he is our leader.”


Umiskor si Eric Bledsoe ng 26 puntos – isa sa kanyang mga career high – at nagdagdag ng career-best na 14 assists para sa Phoenix na binuksan ang season sa pamamagitan ng mga panalo sa Portland at Utah. Nagawang dumikit ng Suns sa Oklahoma City sa kanilang 14-of-37 na 3-point shooting ngunit nailaglag naman sila ng kanilang 23 turnovers.


Nagdag si Serge Ibaka ng siyam na puntos at 10 rebounds para sa Oklahoma City.


Nakuha ng Phoenix ang 79-73 na abante matapos ang 3-pointer ni Bledsoe sa huling 7:46, ngunit nakapagbuslo naman ng walong sunod na puntos ang Thunder, kabilang ang mga layup ni Westbrook at Reggie Jackson para maagaw ang kalamangan, 81-79, 6:11 pa ang nalalabi.


Naitabla ni Channing Frye ang laro para sa Phoenix, ngunit nagkaroon ang Thunder ng 14-6 run kasama ang three-point plays nina Ibaka at Derek Fisher para kunin ang 95-87 na bentahe sa huling 2:19.


Muling nagawang makalapit ng Suns sa 92-95 bago nai-dunk ni Durant ang nagmintis na layup ni Westbrook sa natitirang 32.8 segundo. Isang 3-pointer ni Gerald Green mula sa sulok ang pumasok ngunit nagtambal sina Westbrook at Durant para sa anim na free throw sa pinal na 29.3 segundo upang selyuhan ang panalo.


”Our guys fought hard and that’s a good team and we had a chance to win on their court, so I’m pretty happy with the effort,” pahayag ng coach ng Phoenix na si Jeff Hornacek. ”That’s the ultimate goal, when you go on the road, is to have a chance at the end, especially a team like this. It’s very difficult to win in this gym. We were right there and had some chances.”


Resulta ng ibang laro:

Detroit 87, Boston 77

Miami 103, Washinton 93

Orlando 107, Brooklyn 86

Minnesota 109, NY Knicks 100

LA Lakers 105, Atlanta 103


.. Continue: Balita.net.ph (source)



OKC, dumagundong


No comments:

Post a Comment